#A4Day19- The Mom Day

3.4K 273 37
                                    

The Bad Day 4

*********"Maine! Wait! Maine!" Natataranta at humahangos na tawag ni Richard habang hinahabol ang dalagang nagmamadaling lumabas sa lobby ng hotel dala ang lahat ng mga bagahe at maleta nito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

*********
"Maine! Wait! Maine!" Natataranta at humahangos na tawag ni Richard habang hinahabol ang dalagang nagmamadaling lumabas sa lobby ng hotel dala ang lahat ng mga bagahe at maleta nito.

"I'm sorry, RJ. I have to go." Sagot ni Maine na hindi man lang lumingon. Dire-diretso lang ito sa paglalakad patungo sa front desk.

"Miss Maine! Okay ka lang po ba? " Tanong ni Bea nang makita ang di maipintang mukha ng dalaga at ang nababahalang itsura ng kaibigan sa likod niya.

"I'm fine, Bea. I need to check out now." Tahimik na sagot ni Maine na halatang may bumabagabag sa damdamin.

"Okay po." Sagot ni Bea na siya namang panlalaki ng mata nito kay Richard na tila ba nagtatanong.

Hindi din alam ng binata kung bakit ganoon ang kinikilos ni Maine kaya't labis itong nabahala.

"Check out? Maine, what's wrong? Limang araw ka pa lang dito. Lilipat ka ba ng hotel? May ayaw ka ba dito? Papaalis ko agad."

"It's not the hotel, RJ." Sagot ni Maine na hindi pa din siya tinitignan habang abala sa pagbabasa ng bill niya sa hotel.

Lalong ikinataranta ni Richard ang sagot nito kaya walang patumpik-tumpik niyang kinuha ang papel na hawak ng dalaga.

"You don't have to pay that. I'll take care of it." Seryoso nitong sabi.

"RJ, give it back. Babayaran ko yan. Nakakahiya." Wika ni Maine na pilit na inaagaw ang papel sa binata.

"Not until you talk to me, Maine." Humugot ng malalim na hininga si Richard sabay tanong. "Is it me? Akala ko ba okay tayo? I thought we had a great time together? Don't you feel the same way?"

Halos madurog ang puso ni Maine sa lungkot ng boses ni Richard kaya sa wakas ay hinarap na din niya ito.

"It's not you, RJ. You are wonderful and the whole time I spent with you was amazing. I just..." Napatigil siya sa pagsasalita ng magbadya ang isang hikbi sa kanyang lalamunan. "I have to go. Si Mama..."

Sa puntong iyon ay hindi na niya napigilan ang mga luhang naguunahang tumulo mula sa kanyang mga mata.

Agad na niyakap ni Richard si Maine at hinayaan itong umiyak sa kanyang balikat habang marahang hinahagod ang buhok at likod ng dalaga.

"Ssshhh... Andito lang ako. Tell me what's wrong. Baka makatulong ako at tutulong talaga ako sa abot ng makakaya ko."

"She was rushed to the hospital this morning. They won't tell me why. I have to go right now and see her." Nang bahagyang humina ang mga hikbi ay turan ni Maine.

"Sasamahan kita." Walang pag-aatubiling sagot ni Richard.

Agad na napatingin si Maine sa mukha ng binata habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

Payb Takes Book 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now