BAEtamins

6K 286 26
                                    

October 14, 9pm, Laguna:

R: *calls M on Facetime*

M: *answers call* Hello, Love.

R: Hi Love. Kumusta ka na? Masama pa din pakiramdam mo? Nilalagnat ka ba?

M: *lies in bed* Medyo nilalagnat lang, Love at masakit pa din lalamunan ko. Di ako makakain.

R: Balik na lang kaya ako diyan, Love?

M: Wag na, Love. Diyan ka na muna kina Lola. Bawi ka din ng time sa kanila.

R: Pero may sakit ka, Love. *frowns*

M: I'll be fine, Love. Uminom na ako ng gamot. Itutulog ko lang to, Dad. Don't worry.

R: Di ako mapakali, Ma. Imposible nga yang Don't worry coz I will always worry about you because I care about you.

M: Alam ko, Love. Kinakalma lang kita. Sige na, Love. Sleep na ako. Good night.

R: Matutulog ka na ba talaga or you're just avoiding an argument?

M: Love, please. I'm sick and I'm tired. Gusto ko na lang matulog.

R: Love...

M: Good night na. Bye. *ends call*

R: *ends call but still thinks of M and brings his phone around the house, sits in the living room with DB and Lola*

DB: Jay, nasa bahay ka na pero walang tigil ka pa diyan sa telepono mo. Away kayo?

R: Hindi po.

Lola: Eh bakit parang kanina ka pa di mapakali diyan?

R: May sakit po kasi si Meng, Lola. *sighs*

DB: May sakit pala eh anong ginagawa mo dito?

R: Sabi po kasi ni Meng bawi daw po ako ng oras sa inyo tsaka nami-miss ko po si Lola. Okay naman daw po siya, nakainom na ng gamot at matutulog na pero di pa rin po ako matahimik ng di ako ang mag-aalaga sa kanya.

Lola: Puntahan mo.

R: Lola?

LB: Puntahan mo si Menggay at alagaan mo. Kailangan ka niya ngayon. Ayos naman kami dito. Nami-miss ka namin pero naiintindihan namin kung mas madalas ka na kay Meng. Balang araw bubukod ka na din at bubuo ng pamilya kasama siya. Iba na ngayon, Jay. Simula nung nagpaalam ka sa magulang ni Meng at hiningi ang kamay niya at buong tiwala nilang binigay yun sa'yo, responsibilidad mo na siya. Pinagkatiwalaan ka nila na mahalin, protektahan at alagaan ang anak nila na siyang pinangako mo kaya yun ang dapat mong gawin.

R: Pero Lola paano po kayo dito ni Lolo?

LB: Ano bang paano? Andito lang naman kami. Andiyan si Richard, si RD, si Riza pati si Globie. Ikaw, Jayjay, may iba ka na ding dapat alagaan, andito lang kami pagbalik mo. Maswerte ka na nakahanap ka ng babaeng mahal na mahal ka ng walang alinlangan at mahal din pati buong pamilya mo. Samahan mo muna siya at alagaan para sa ikatatahimik ng kalooban mo at sa amin din. Nagaalala din kami para sa kanya. Pamilya na din namin si Menggay.

R: *smiles, hugs LB* Salamat po, La. Sobrang salamat po. *sobs*

LB: Ay aba. Areng bata. Naiyak pa ata. Wag kang umiyak diyan. Lumakad ka na at alagaan ang mapapangasawa mo. Siguraduhin mong maging malusog palagi at malakas ang katawan. May limang apo pa kaming aabangan sa inyo.

R: *laughs* Lola! Grabe siya!

DB: Oo nga, Jay. Naiinip na ako. Paano kami magkaka-apo kung lagi kang nandito?

R: Halaaaah... Grabe si Dad.

LB: Hoy Richard! Kasal muna. Dapat may basbas muna ang mga apo ko. Makakapaghintay pa tayo ng isang taon.

R: Isang taon, La? Ang bilis naman. Pressure, La.

LB: Tama lang naman. Kung ikakasal kayo bago matapos ang taon, may apo na kami sa isang taon, di ba?

R: *laughs* Grabe, La. Planado?

LB: Oo naman. Di na kami bumabata . Kayo lang naman hinihintay namin. *laughs*

R: Basta, La. Malapit na. *smiles*

LB: O siya. Lakad na. Ingat ka at gabi na ha? Pag magaling na si Menggay, isama mo minsan pag-uwi dito.

R: Opo, Lola. Ipagpapaalam ko po kina Tatay. Thank you po ulit. *hugs LB and DB, rushes to his car to drive to M's condo*
//
M's condo:

R: *enters using his keys, quietly slips into M's room, sits beside her bed and watches her sleep, touches her forehead and neck to check her temperature* Mainit pa konti. Kawawa naman ang mahal ko. *leans forward to gently kiss her lips*

M: *yawns, slowly opens her eyes* Love?

R: *caresses M's cheek, whispers* Yes Love. I'm here. *kisses her cheek*

M: *speaks sleepily* Anong ginagawa mo dito? Di ba umuwi ka?

R: Umuwi nga ako, Love. Andito na ako sa'yo. *smiles*

M: *smiles weakly, pokes R's nose* Cheesy. I meant sa Laguna.

R: Galing na ako doon, Love pero di ako mapakali dahil nga may sakit ka. At di lang basta cheese yun ha. You are my life and my home kaya sa'yo ako uuwi. *smiles, kisses M's hand*

M: I love you. *smiles, closes her eyes*

R: I love you more and more and more, Love. *lies in bed with M and wraps her in his arms, kisses her hair*

M: *snuggles in his chest*

R: Do you need anything, Love? Water? Food? Medicine? Doctor? Tell me. I'd give you anything para gumaling ka lang.

M: Wala na akong kailangan, Love. Andito ka na. *hugs R tighter* You're all I need.

R: Haaaay... Menggay ko... Mahal na mahal kita. *kisses M's temple*

M: Kantahan mo na lang ako til I fall asleep again, Dad.

R: Sure, Ma. Kahit ano pa yan kahit Bahay Kubo, Atin Cu Pung Singsing o Dandansoy.

M: Alam mo na kung ano, Love... *looks up at R's face*

R: *smiles* Alam ko na nga, Love. Good night, my princess. *leans down and gently kisses her lips*

M: Good night, my sweet prince. *snuggles in his chest*

R: *kisses M's hand, starts to sing*

🎶🎶Look at the stars
Look how they shine for you
And everything you do
Yeah they were all yellow

I came along
I wrote a song for you
And all the things you do
And it was called yellow🎶🎶

💛👪💛👫💛🍃💛


Payb Takes Book 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now