#A4Day16-The Bad Day

3.8K 227 66
                                    

“What the…” Hindi na itinuloy ni Maine ang hindi magandang salitang namumuo sa kanyang dila dala ni inis sa mga pangyayari

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


“What the…” Hindi na itinuloy ni Maine ang hindi magandang salitang namumuo sa kanyang dila dala ni inis sa mga pangyayari. Sa halip ay huminga na lang siya ng malalim at pilit na ikinalma ang sarili.

“Lord, please, grant me patience para hindi mamura at masungitan ang lahat ng taong pilit na binibwiset ang bakasyong pinlano ko para sa sarili ko. Please po.” Dalangin ni Maine sa isip niya.

Sanay si Maine Mendoza na nakukuha ang gusto niya. Nagsumikap siya sa buhay para maabot ang posisyon niya ngayon bilang Vice President for Marketing ng kumpanyang pinagtatatrabahuhan niya. Sa kanyang angking galing at talino na sinamahan ng kanyang sipag at dedikasyon sa trabaho, naging posible itong mangyari sa kanya sa edad na dalawampu’t lima. Marami ang humahanga sa kanyang determinasyon sa trabaho. Hindi naman sila hirap sa buhay. Sa katunayan, galing sa may kayang pamilya si Maine ngunit ginusto niya na makilala at magtagumpay sa sarili niyang pagsisikap.

Nagtatrabaho siya ng halos buong araw at gabi sa loob ng pitong araw sa isang linggo. Limang taon na din niya iyong ginagawa simula ng makapagtapos ng kolehiyo kaya’t itong dalawang linggo ng bakasyon sa Panglao ang inaasahan niyang pahinga sa trabaho at gantimpala sa sarili upang makalayo sa stress.

“Sorry po talaga, Ma’am. Hindi po kasi na-relay ng travel agent niyo yung last-minute change to beach view room. Yung pool view lang po ang na-confirm.” Wika ng front desk officer.

“Miss, please, mag-isa lang naman ako. Okay na ako kahit hindi suite ang ibigay mo. Kahit standard room na lang sa side na yun, okay na ako. I’m just… Eto kasi yan. Eversince, this day started puro palpak na ang lahat. Na-late ako ng gising dahil napuyat ako sa mga kapitbahay kong nagsisigawan at nag-aaway buong gabi. Sa kakamadali kong makarating sa airport, muntik ng mabangga ang kotse ko at pagdating ko doon halos wala na akong ma-parkingan. I almost missed my flight and because I checked my luggage in so late muntik pa nilang maiwala at isakay sa susunod na flight. Nai-imagine mo ba how horrible this supposed to be grand vacation is going for me? So if can you please just give me this simple request so that I can get just one thing right today. Please…” Pakiusap ni Maine.

“Ma’am, I’m really sorry po. Puno po kasi talaga eh. Wala po akong magagawa para sa inyo kahit gustuhin ko. Ang maibibigay ko lang po talaga ay yung room na reserved na for you pero pag may mag-cancel po ng reservation, promise po, ibibigay ko po sa inyo agad.”

Isang buntong hininga ang pinawalan ni Maine bago sumagot. “Fine. Pare-pareho naman tayong walang magagawa dito. Sige na.”

“Thank you po, Ma’am. Sorry po talaga.”

Matapos mai-check in ay inabot na kay Maine ang keycard. Nagpasalamat siya at tumuloy na sa elevator. Dahil puno ang hotel at abala ang lahat ay wala siyang nakatulong sa mga gamit kaya binitbit na ni Maine ang dalawang bag at hinila ang de-gulong na maleta kahit bigat na bigat na siya at muntik pang maipit sa pinto ng elevator.

“I just want to get to my room and start my vacation now please. Kebs na kung wala na akong poise sa mga bitbit ko basta please just let me get to my room without anymore hassles.” Taimtim na hiling ni Maine.

Nang makarating sa pinto ay tinapat na ni Maine ang keycard sa lock pero hindi ito gumana. “What? Bakit ayaw gumana nito?” Inulit ulit niya ang pag-scan pero wala pa ring nangyayari. Tumingin siya sa paligid pero mukhang walang tao para tumulong sa kanya at iniisip pa lang niya ang pagbaba at pagbalik sa front desk ay nasiphayuan na siya.

Nanlulumong napasandal na lamang siya sa may pader.”Why, universe? Why? Don’t I deserve this break? Can’t I just have one thing right today? Ano bang nagawa ko? Ano bang kasalanan ko to deserve this?” Nanghihinang wika niya.

Dala na din ng pagod, kamalasan at kabiguan ng araw na yun, napaupo na lamang siya sa sahig at umiyak. Napayuko siya at napahagulgol upang ilabas ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman.

“Miss…”

Isang lalake ang lumapit sa kanya. “Miss, anong problema? Baka makatulong ako?”

“Paano?” Humagulgol niyang tanong habang nakayuko pa din. “Mababalik mo ba yung lahat ng oras na nasayang ko ngayong araw na to? Masasabi mo ba sa boss ko na wag muna akong bahain ng deadlines pagbalik ko dun pagkatapos ng bakasyon ko na wala pa ring nangyayaring tama hanggang ngayon? Masasabi mo ba sa Nanay ko na tigilan na ang pagrereto sa akin sa lahat ng anak ng mga amiga niya dahil wala pa nga akong balak mag-asawa. Mabibigyan mo ba ako ng beach view suite sa hotel na to? At higit sa lahat mabubuksan mo ba itong putanginang pintong ito?” Tanong ni Maine sabay padabog na tumayo at hampas sa pinto. Dali-dali niyang pinunasan ang mga luha habang nagpupuyos sa galit.

“Okay. Kalma lang Miss ha? Imposibleng mabalik ko ang oras mo. Gustuhin ko man,  hindi ko kilala ang boss mo at lalong hindi ko kilala ang Nanay mo. Pero kung may chance sasabihin ko sa kanya na bata ka pa at maganda kaya ikaw ang dapat pumili kung sino ang gusto mong makasama. I can arrange a beach view suite for you at…” Yumuko ang lalake ang pinulot ang keycard sa sahig sabay swabeng itinapat ito sa pinto na agad namang bumukas. “Bukas na ang pinto mo.”

“How did you…” Namamanghang tanong ni Maine sabay tingin sa lalakeng tumulong sa kanya. Tila nalimutan na niya ang sasabihin pagkakita sa kanyang knight in shining armor. Sobrang gwapo ng mestisuhing binata. Kinailangan niyang tumingala sa tangkad nito upang mamasdan ang magaganda nitong mata, matangos na ilong at kulay rosas na mga labi.

“Magic.” Nakangiting sagot ng binata sa di niya na natapos na tanong at napansin niyang may malalim na biloy ito sa kaliwang pisngi. “Room 716. Medyo may sumpong ang pintong to. I called the maintenance staff already to take care of it. Sinabi ko na din na wag muna itong pa-book pero mukhang di rin nakarating ang message ko sa front desk. Haaay… Anyway… Lahat naman nagkakamali kaya di ko na muna siguro kailangang sesantihin ang mga tao ko di ba?”

Napatitig na lamang si Maine sa lalake at di nakasagot.

“Miss… Sorry ha? Joke lang yung sesesatihin. Pero matutulungan kita sa beach view room. Pwede na kitang mailipat ngayon. If you could just give me time to clear out the suite. Doon kasi muna ako natutulog while they do repairs sa penthouse room ko.”

“Okay lang naman… Uhm… Thank you…”

“Richard. Richard Faulkerson Jr. I own this hotel na may putanginang pinto.” Nakangiting sagot nito. “At dahil sa sobrang hassle na naranasan mo sa unang araw ng stay mo with us, ako na mismo ang personal na magaasikaso sa lahat ng kailangan mo sa buong bakasyon mo dito sa Panglao. Miss…”

“Maine. Maine Mendoza.”

“Miss Maine, akong bahala sa’yo.”

At habang pinagmamasdan niya ang nakangiting binata naisip ni Maine na may dahilan ang lahat ng kamalasan ng araw na yun.

“Mukhang may tama din namang nangyari sa lahat ng mali sa araw na ito at mukhang magiging sobrang saya ng bakasyon kong ito. Thank you, Universe.”

Payb Takes Book 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now