Daddy Sandwich

3.2K 243 58
                                    

Hello eblibady!

Just a short update. I feel that I rushed through catching up with your prompts and recent events that I may have skipped a few interesting events that deserve a Payb Takes highlight.😊

So, here's one that will take us back a few days from our . I think I have a couple more after this. Please bear with me.

Thank you so much. You are most patient readers I know kaya love na love ko kayo. ❤

By the way, I tried a new app and created a chat story for these two love birds. Trial pa siya for now. You can check it out here. 👇

https://taptap.app.link/PZ5SdIkNLB

Thanks again. 😘

xoxo,
Deng

********

Maine's Birthday Event from Maine Unity:

DB: *arrives at M's birthday celebration, is greeted by ND, TD and the Mendozas, greets fans and organizers*

TD: Pare, salamat at nakarating ka.

DB: Sakto lang ba dating ko, Pare?

TD: Sakto lang. Maaga ka pa nga eh. Halika muna. Maupo muna tayo habang di pa nag-uumpisa. Si Meng inaayusan pa ata.

ND: Pare, sandali lang ha? Che-check ko lang si Menggay. *rushes off*

DB: Naku, Pare. Wag niyo na akong masyadong intindihin. Sayang may taping ngayon si RJ.

TD: Oo nga eh. Itong si Menggay nga nagpaalam lang na umuwi ng maaga para dito.

Matti: *squeals and runs to TD*

DB: Oh kasama pala si pogi ah. Ang cute cute. *smiles and plays with Matti* Nakakatuwa talaga ang may apo, ano, Pare?

TD: Oo. Iba talaga ang apo. Hindi naman sa sinasabing mas mahal natin ang apo kesa sa mga anak natin pero iba ang tuwa sa apo eh. Sa anak kasi masaya ka siyempre pero walang katapusan din ang pagpapaalala at pagdidisiplina. Ito yung tuwang puro laro na lang, yung pagdidisiplina kasi sa magulang na nila. *laughs* Masama bang i-spoil ang apo mo eh kung dun siya masaya di ba?

DB: *laughs* Yan din ang madalas sabihin ni Mama. Ang saya talaga siguro. Nakakainggit. *playfully pinches Matti's cheek*

TD: Wag kang mag-alala, Pare. Mukhang malapit na yung sa dalawa. Tingin ko kapag natapos na itong palabas nila na araw-araw nagpapagod, magbabalak na ding magka-anak.

DB: Sobra nga ang pagod ng mga bata pero maigi na din yung ngayon nila yan ginagawa dahil pag nagka-anak na sila maiiba na ang priorities nila. Pero, Pare... Totoo ba? Malapit na? Baka nagku-kwento sa inyo si Meng. Ito kasing Junior ko tikom ang bibig pag yan na ang usapan, tatawanan lang kami ng Lola niya dahil sobrang kulit daw namin. *chuckles and shakes his head*

TD: Mukhang wala muna silang panahon para sa bata ngayon. Bata pa naman sila.

DB: Oo nga pero tayo di na bumabata, Pare. Di na natin mae-enjoy ang mga apo natin kung patatagalin pa nila. Ayaw mo bang magka-pinsan na yang si Matti?

TD: Gusto ko na nga din at ang bilis lumaki nitong batang to.

DB: Iniisip ko na ngang lagyan ng crib yung kwarto ni Tisoy sa bahay para kung sakaling mauwi doon ang mag-asawa eh maalalang gumawa ng bata para may ialagay doon. *laughs*

TD: *laughs* Tama. Lagyan ko nga din sa Bulacan. *chuckles* Pero palagay ko talaga, Pare. Malapit na. Nagpaplano na nga siguro ang mga yan.

DB: Paano mo naman nasabi, Pare?

TD: May nabanggit kasi si Menggay na bakasyon daw nilang mag-asawa parang yun ang magiging honeymoon nila.

DB: Ah, oo, Pare. Nasabi na din ni Jay yan.

TD: Baka doon na tayo magka-apo. Ang sabi ni Meann di na daw nagpupunta si Menggay sa doctor niya para magpa-inject eh. *covers his mouth* Naku, bakit ko ba nakwento yun? Patay ako kay Meann nito. *chuckles*

DB: Talaga, Pare? Mukhang may pag-asa na nga. Dapat pala bilhan ko ng madaming kamatis, walnuts, dark chocolates at blueberries tong si Jayjay para makalaban ang mga swimmers niya. *laughs*

TD: Madaming dark chocolates sa bahay, Pare. Padala ko sa inyo. *laughs*

M: Mukhang tuwang-tuwa kayo ah. Ano pong pinag-uusapan niyo? *beams as she approaches DB and TD, hugs and kisses each of them*

DB&TD: *look at each other, grin and shakes their heads*

TD: Ah wala. Wala naman masyado, anak. Natutuwa lang kami dito kay Matti.

DB: Oo. Oo nga. Yun lang yun, nak. Ang cute cute kasi niya.

M: Naku, Daddy. Sobrang cute na cute po talaga yang si Bonqui. Kaya lagi naming nami-miss ni RJ to eh. *pinches Matti's cheek*

DB: *whispers to TD* Pwede naman kasi kayong gumawa ng sarili niyo. *both laugh*

M: Ano po yun, Dad?

DB: Ah... Ano, nak. Lagi nga ding nababanggit ni RJ yan.

M: Thank you po pala sa pagpunta, Dad.

DB: Di pwede ang pogi kong anak dahil may trabaho at nahihiya naman ang mga Lola mo kaya hanggang video greet na lang kaya ako na lang ang pumunta para representative ng Faulkerson. *laughs* Hindi man ako kasi gwapo ni Tisoy pero mapagti-tiyagaan na din di ba, nak?

M: Dad, atin-atin lang po to ha? Mas gwapo ka pa din po. *grins*

DB: Tignan mo to. Napaka-sweet talaga nitong si Menggay kaya ikaw ang paborito kong manugang eh.

M: Dad, ako lang po ang manugang niyo.

DB: Sa ngayon, pag dumating ang araw na mag-asawa ang mga kapatid niyo, sigurado akong walang makakapantay sa'yo.

M: Naks naman. Birthday ko po, wag niyo po akong paiyakin.

DB: Naku wag kang iiyak, nak. Baka paalisin ako ng Tatay mo. *laughs*

M: *giggles* Hindi na po. Joke lang. Oo nga pala, Tay, pag wala po kaming taping ni RJ pahiram po ulit kay Matti ha? Ilang beses na po sinasabi yun ng asawa ko, nahihiya lang po magpaalam sa inyo.

TD: *whispers to DB* Gumawa na kasi kayo para di na kayo nang-hihiram ng baby. *both laugh*

M: Hindi niyo rin po ba sasabihin sa akin yang binulong niyo kay Daddy, Tay?

TD: *chuckles, scratches the back of his head* Napakatalino talaga nitong Menggay ko. Walang maitago sa iyo ano?

M: Paano matatago, Tay? Eh ang obvious niyo pong dalawa. Masyado kayong sweet. May secrets pa. *giggles* Nakakatuwa po kayong tignan. Mukhang di lang kami ni RJ ang destined parang kayo din po destined maging BFFs. *grins*

TD: Madali talagang magkasundo lalo na at pareho ang hangarin at yun ay makitang palaging masaya at nasa mabuti ang mga anak namin.

DB: Pareho kaming nagmamahal sa inyo ni RJ at parehong nangangarap na maging maayos at maligaya ang kinabukasan niyo ng mga magiging apo namin sa inyo kaya ganoon, nak.

M: *smiles, hooks an arm each around TD and DB's waists* Haaay... Ang sarap naman. Ngayon, hindi lang isa kundi dalawang sobrang poging Tatay na sumusuporta at nagmamahal ang meron ako... Kami ni RJ. Thank you po.

TD: Love you, nak.

M: *leans her head on TD's shoulder* I love you, Tatay.

DB: Love you din, nak.

M: *smiles and moves her head on DB's shoulder* Love you too, Daddy.

DB&TD: *both hug M, squeezing her in a big Daddy sandwich*❤

Payb Takes Book 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now