#A4Day18-The Right Wrong Day

3.7K 269 76
                                    

The Bad Day Part3

*********"Bea! Just the girl I need

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

*********
"Bea! Just the girl I need." Ngiti ni Richard.

"Yes, Boss? Ano po yun?"

"Bumaba na ba si Miss Maine? Tumawag? Nag-order?"

"Hindi pa po, Boss. Alas sais pa lang po. Malamang po tulog pa yun. Anong oras na po kayo natapos mag-kwentuhan kagabi sa may coffee shop. Past midnight na po ata." Natatawang sagot ng Executive Assistant at kaibigan ni Richard.

"Hmmm... Palagay mo magagalit siya kung i-invite ko siya for breakfast? Tawagan ko ba muna or dalhan ko na lang sa kwarto?"

"Boss, may ari ka po ng hotel. Hindi ka po front desk clerk or room service attendant."

"OA na ba?"

"Di naman, Boss. Kaya lang halata ka na."

"Halatang ano?"

"Halatang halata na ang lakas ng tama mo kay Miss Maine." Wika ni Bea sabay tawa. "Ngayon lang kita nakitang ganyan kasaya at kaaligaga sa isang babae."

"Ngayon ko lang kasi nakilala si Maine."

"Grabe siya. Ang lala mo na, Sir. Ano pong ipapahanda ko today? Private lunch sa pool area? Exclusive use of the gym? Wedding reception sa Grand Ballroom? After dinner drinks sa Honeymoon Suite?"Biro ng kaibigan na siya namang ikinapula ng mukha ni Richard.

"Wedding agad? Honeymoon agad agad? Nanliligaw pa lang ako. Kasalan na?"

"So... Nanliligaw ka, Boss? Alam na ba ni Miss Maine yan?"

"Hindi pa. Okay. Manliligaw pa lang. Magsasabi pa lang na manliligaw. Basta. May balak na."

"Sa mga tingin mo kagabi kay Miss Maine mukha ka nga talagang may balak, Boss. Buti na lang kape iniinom niyo at hindi alak." Sa pagkakataong ito ay napalakas ang tawa ni Bea.

"Bea..." Nagbabantang sabi ni Richard.

"Sorry, Boss. Joke lang yun. Alam ko naman po na hindi ka po ganoong klaseng lalake. Siguradong parang prinsesa po kung ituring niyo si MIss Maine."

"Hindi prinsesa. Reyna. Reyna ng buhay ko." Ang napapabuntong-hiningang wika ni Richard. "Anyway, I will take that Private lunch by the pool area. Paki-ready na rin ako ng island hopping tour by 9am at sunset dinner in our best cabana on the beach. I saw how she loved watching the sunset. Okay?"

"Boss, you can't do sunset po. May meeting kayo with a supplier yung na-set po ni Ma'am Rio."

"Oo nga pala. Wait. Move the meeting to 8pm tapos set up some cocktails sa roof deck bar by 9pm. Sunset dinner pa rin kami ni Maine. Romantic setup ha? Red roses, candles, you know the works. Babae ka eh."

"Got it, Boss. So? Yung breakfast, Boss?"

"Send a tray to her room ng 8am. Gising na siguro siya nun. With this note." Ang sabi ni Richard habang nagsusulat nang nakangiti.

Payb Takes Book 2 (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang