Ngumiti ako at tumango sakanya. Habang nagmamaneho siya pasimple ko siyang tinitingnan. Nakikita ko ang lungkot na nararamdaman niya. Lungkot na pilit niyang nilalabanan. Ayoko naman na ako lang ang masaya ngayon samantalang ang mga tao sa paligid ko malungkot. Iisip ako ng paraan.

"Nandito na po tayo, Ma!"

Dali daling lumabas si Elmo at pinagbuksan ako. Bumaba naman ako at tumingin sa paligid. Ang ganda. Sobrang ganda.

"Anak? Mukhang mamahalin naman dito."

Natawa naman siya.

"Hindi po, Ma."

"Teka, paano mo ba nalaman ito?"

Nagbago naman ang expresyon ng mukha niya.

"Palagi po kasi kaming nandito ni Julie."

"Elmo.."

"Hm, tara na po."

Nilagay niya ang kamay ko sa braso niya. Pumasok na kami. Asikasong asikaso ako ni Elmo. Siya na din ang umorder dahil naniniwala ako na siya ang nakakaalam ng masarap na pagkain dito. Nang maiserve samin ang pagkain doon ako naniwala na masarap nga dito dahil amoy palang mabubusog ka na.

"Ma, kain lang po ng kain."

"Naku anak, mukhang hindi na ko makakain mamaya."

Napangiti naman siya. Nagsimula na kaming kumain. Kinamusta ko siya, kwentuhan, ganun lang ang ginawa namin hanggang sa matapos kami kumain.

"Grabe anak, busog na busog si Mama."

"Okay nga po yun. So, oras na po para sa dessert natin."

"Nak? Dessert pa? Tama na anak. Busog na ko."

Nginitian lang niya ko. Maya maya may dumating na tao na may hawak na violin. May isa naman na umupo sa piano. Napatingin ako kay Elmo na ngayon at tumayo na. Biglang tumugtog ang kantang make it with you ng bread.

"Ma, dance with me."

"Ikaw talaga."

Tumayo ako at nakipag sayaw na sakanya. Si Elmo? Siya ang pinaka sweet na lalaki na nakilala ko bukod kay Jonathan. Gusto ko kung paano niya alagaan ang anak ko. Kung paano niya pahalagahan ang pamilya namin. Kung paano siya nag sakripisyo para sa pagmamahal niya kay Julie.

"Ma?"

"Hmm?"

May kinuha siya sa likod niya. Tumigil muna kami sa pagsasayaw.

"Gift ko po para sayo."

"Anak? Hindi na kailangan, ito palang gift na."

"Ma, tanggapin niyo na po."

Binuksan ko ang gift na niregalo niya. Nanlaki ang mata ko. Mamahalin kasi itong relo.

"Anak?"

"See, bagay na bagay po sayo, Ma."

Siya na ang nagsuot sakin. Bagay na bagay nga.

"Salamat anak."

Niyakap ko siya at kiniss sa pisngi. Nagsayaw kaming ulit. Nakangiti lang siya sakin hanggang sa may naalala ako.

"Anak.."

"Po?"

"Mahal mo pa ba ang anak ko?"

Napatulala naman siya sa tanong ko. Alam ko naman na ang sagot pero gusto ko lang marinig mula sakanya ang mga katagang gusto ko marinig.

"Ma.."

"Anak, hindi ko kailangan ng mahabang paliwanag. Isang sagot lang ang gusto ko marinig, oo ba o hindi?"

JuliElmo One Shots Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon