"Jea!"

"Oh?"

"I'm ready."

Ngumiti lang sakin si Janella. Nakapunta na ko sa parking at sumakay kaagad sa kotse ko. Nag drive ako papunta sa bahay niya at sakto naman na nakita ko siya na palabas ng bahay nila. Simple lang ang suot niya pero angat ang ganda. Ano bang meron? Hininto ko muna ang kotse ko at pinagmasdan siya. Biglang may kotse na tumapat doon at biruin mo nga naman kung sino ang lumabas.

"Minsan talaga dapat hindi ko sinusunod ang puso ko kung san man ako gusto dalhin nito."

Napayuko nalang ako. Sunod sunod naman ang tunog ng cellphone ko kaya tiningnan ko na kung ano yun. Nakita ko na may screen shot na kuha ang mga fans namin. Napakunot noo ako.

Your boo.

Boo belongs to a group of endearments. Tumingin ano muli sakanila na nag uusap lang sa labas.

"Sila na ba?"

Parang halos lahat ng nababasa mo ganun ang tanong kung sila na ba.

TOK TOK TOK!

Napaurong ako ng may malakas na kumatok sa bintana ko. Nakita ko na si JM lang yun kaya binaba ko kaagad ang bintana ko.

"JM.."

"Kuya Elmo? Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pumunta sa bahay?"

"Ah..Eh.."

Tumingin si JM sa may bahay nila at nakita niya niya kung anong nakita ko kanina. Tumingin naman siya sakin.

"Kuya.."

Pilit akong ngumiti sakanya.

"Mm, wala akong pwedeng gawin para gumaan ang loob mo pero pwede na ba yung samahan kita sa park?"

"H..Hindi kaya hanapin ka?"

Umiling naman si Joanna.

"Kung ikaw naman ang kasama ko Kuya panatag ang loob nila Mama."

"Okay sige, sakay na."

Habang papasakay si JM, tumingin ulit ako sakanila. Nakita ko na nagtatawanan silang dalawa. Heto nanaman ako, nararamdaman ko nanaman yung sakit.

"Boo is used to express contempt or disapproval."

Napatingin ako kay Joanna. Nakangiti siya sakin.

"Hayaan mo na yun. Doon pa din tayo kay Man."

Napangiti naman kaagad ako sa sinabi ni Joanna.

"Tara?"

Tumango siya. Pumunta na kami kaagad sa park. Umupo kami sa swing ni Joanna. Tahimik lang ako at inaalala ang nakita ko kanina.

"What you saw earlier Kuya is nothing."

"They have something."

"Sus Kuya, pinanghihinaan ka na ba ng loob?"

"Hindi naman Joanna pero baka malapit na.."

Binigyan niya ko ng isang malungkot na tingin.

"Wag kang susuko, Kuya."

"Wala naman akong aasahan pa sa Ate mo, Joanna."

Tumingin ako sa ibang direksyon at nag swing.

"Kuya.."

"Mm.."

"Would you let her go?"

Sasagot na sana ako ng biglang may bumusina. Nagulat naman kaming dalawa. Bumaba sa sasakyan si Jac.

JuliElmo One Shots Book 2Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz