"Ano ka ba Maq, gumagana pa naman eh."

"Gumagana? Oo gumagana pero yung takbo? Mas mabilis pa yung de remote control na kotse kesa sa kotseng ito."

"Grabe ka naman!"

Ilang minuto pa at hindi pa rin sila nakakarating sa lugar na pagdadausan ng prom nila.

"Aray aray!"

Nauuntog na kasi si Maqui.

"Julie ah! Mabato ang daan patungo sa forever mo!"

"Maq, prom ang pupuntahan natin hindi para maghanap ng jowa!"

"Ganun na din yun noh!"

Nakarating na sila.

"Finally!"

Napabuntong hininga si Julie tska pumasok sa loob at sinundan ang best friend niya na nagmamadali. Pinagtitinginan siya ng mga tao.

"May mali ba sa suot ko?"

Tanong ni Julie sa sarili niya.

"Oo may mali sa suot mo. Julie, tanggalin mo nga yang jacket mo!"

Nagulat si Julie.

"Paano mo nalaman ang iniisip ko Maq?"

"You're thinking out loud."

"Ayoko, nilalamig ako eh."

"Paano nila makikita ang ka seksihan mo?"

Tinulak ni Julie si Maqui.

"Sige na, lumayas ka na Maq. Dyan dyan lang ako."

"Tanggalin mo yan Hulyeta ah! Tanggalin mo yan!"

Pumunta siya sa isang sulok at pinanuod ang mga tao sa paligid. Kumuha siya ng juice at uminom lang doon. Nakita niya ang bestfriend niya na may kausap na lalaki. Napapangiti nalang siya.

"Sabi ko na nga ba maiinip lang ako dito."

Kinuha niya ang libro na dinala niya. Nagsimula siyang magbasa basa. Nakaka ilang minuto na siya dun ng may narinig siya. Party time na daw.

"Kaya na nila yan."

Tumayo muna siya at pumunta sa bar counter.

"Kuya, juice po."

"Ok po, Ma'am."

Habang naghihintay napalingon siya sa gilid niya at nakita niya sa di kalayuan ang isang tao na pamilyar na pamilyar sakanya. May mga kausap itong babae.

"Ito na po, Ma'am. Orange juice."

Ngumiti si Julie sa bartender.

"Uhm, vodka nalang po."

"Kaya niyo po ba Ma'am? Sa itsura niyo po parang hindi po kayo umiinom."

Ngiti lang ang naging sagot ni Julie sa bartender. Binigyan na siya nito ng hinihingi niya. Umupo siya doon at uminom lang. Para sakanya, malakas na nga ito. Nakaramdam na siya ng hilo pero sa kabila ng mga ito parang may nag uudyok sakanya na gumawa ng isang bagay na hindi naman talaga niya ginagawa. Pumunta muna siya sa CR kahit pa na nahihilo siya.

"Shit!"

Nasabi ni Julie paglabas niya. Hinubad niya ang jacket na suot niya dahil naiinitan na siya. Paglabas niya sakto naman na may nakabangga siya.

"Ano ba!"

Sigaw niya. Pag angat niya ng kanyang mukha napalitan ang galit na mukha niya ng pag ngisi.

JuliElmo One Shots Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon