*cellphone ringing..*

Waaaah! Phone ko yun! May tumatawag. Baka si Gab na yun! Tumakbo ako papunta ng room ko at sinagot agad yung call.

"hello Gab?"

[ I’m not Gab ]

"Zeke, ikaw pala yan. Sorry, akala ko si Gab e"

[ okay lang. Pupunta ka mamaya? ]

"Yup. Why?"

[ wag ka na pumunta. Mukhang may binabalak si Mika na hindi maganda ]

"Zeke? Kailan ka pa naging concerned sa pagaway sakin ni Mika?"

[ Simula nung naaksidente ka ]

"Pupunta ako. Gusto na din kita makita e. Oo nga pala. Anong gusto mong gift?"

[ gift? Wag ka pumunta mamaya. That's it ]

"Zeke naman e!"

[ Ge bye! ]

Binabaan niya ako. Ano ba naman yan? Gusto ko pumunta pero yung gusto niya, wag ako pumunta. Tuparin ko na lang kaya?

 

*Mika calling..*

"hello? Bakit ka napatawag Mika?"

[ I just want to make sure that you will come ]

"but Mika.."

[ Dont tell me na hindi. Duh?! Jin! What the hell? Wala ka na ba talagang isang salita ngayon or is it just because may gusto ka pa sa boyfriend ko kaya ayaw mo pumunta?! Di pa din makamove on? Loser ]

"It's not like that. Kasi.."

[ then come ]

"but.."

Binabaan din ako. Ano ba naman yan?! Pupunta pa ba ako? Ayoko naman ipakita na hindi pa ako nakamove on pero gusto ko maibigay kay Zeke yung gusto niya. Ang gulo naman oh. I need to decide. Mahirap na baka mamaya magulo na naman isip ko.

***

5 pm na. Nandito ako ngayon sa room ko. Si Gab naman, nasa living room at hinihintay ako. Nakapagdecide na ako. Pupunta kami. Nagshorts, sleeveless and jacket lang ako. Kasi naman, sa bahay lang naman yung punta pero yung suot ko naman, parang sa mall yung punta ko. Pagkatapos ko magayos, pinuntahan ko na si Gab sa living room at nakita ko siya na nagtetext. Sino naman kaya katext niya? Bihira lang naman siya magtext e. I wonder who but that's none of my business. Privacy naman kasi.

"Bakit ganyan suot mo?!" -Gab

"Anong problema sa suot ko?"

"Magpants ka"

"A-YO-KO!"

"Bahala ka nga"

"Ah. Okay"

Magsusungit pa. Ayoko na magpalit e. Okay naman yung suot ko kasi at maarte lang talaga siya. Sumakay na kami sa sasakyan niya. Tahimik lang siya. Gusto niya magsungit? Fine. Nakarating din kami agad sa bahay nina Zeke. Ang tagal ko na din na hindi nakakapunta dito. Mukha namang walang pinagbago.

Game of Love [ PUBLISHED ]Where stories live. Discover now