CH: Chapter 41

2.9K 43 5
                                    

GENERAL POV

“TOL! SAN KA PUPUNTA?!” tanong ni Nikki kay El

“KAY KRYSTAL!” sabi ni El

“gago ka ba?! Gaano ka nakakasiguradong andun sya?!” tanong ni Angel

“Kilala ko sila bullet! Ang grupo ng mga un walang sinasanto! Mapababae o lalaki basta kaugnay sa amin gagamitin nila para gawing patibong.” Sabi ni El

“Sino ba kasi ung hayop na bullet na yan?!” tanong ni Nikki

“Si bullet, sya ang leader ng kalaban namin na gang ng mga pinsan ko.” Sabi ni El

“pero bat si Krystal? Kelan ba kayo nagkasama?!” tanong ni Nikki

“Di ko—kahapon! Sa exhibit! Hinatid ko sya pauwi.. TAMA! Kaya napagkamalan na girlfriend ko sya kasi un ung nakita nilang hinatid ko!” sabi ni El

“Kailangan kong puntahan si Krystal!” sabi ni El

“Ng ikaw mag-isa?! Gago ka ba?! Tol! Ilan ung mga un!? TAS IKAW LANG! Umayos ka nga! Tumawag ka ng pulis!” sabi ni Angel

“HINDI NGA PWEDE! Di mo ba nabasa?! Di pwedeng magsama ng pulis! AKO LANG ANG PUPUNTA!” sabi ni El

“Bakit? Di mo naman girlfriend si Krystal a! bat ka pupunta dun?!” sabi ni AJ

“Tol, mapagirlfriend o hindi, nadamay sya ng dahil sa akin. Ako ang habol ng mga un! Sigurado ako na pag pumunta ako dun, pakakawalan na nila si krystal.” Sabi ni El

“Tol. Di pwede. Wag kang pumunta dun!” sabi ni Angel na umiiyak na

“Pasensya na..” sabi ni El tas binigay nya ung phone nya kela Angel

“Wag na wag kayong magtatangkang sundan ako. Please lang. ayaw ko na kayong madamay.” Sabi ni El at umalis na.

“TOL! Anong gagawin natin?!” tanong ni Nikki kay Angel

“Di ko alam! Pero di tayo pwedeng tumunganga lang dito! Alam natin na pwedeng ikamatay ni El un!” sabi ni Angel

“Bat naman kasi may mafia ang pamilya nila el e!” sabi ni Nikki

Hanggang sa nag-isip sila ng paraan kung paano nila matutulungan ang kaibigan..

Habang ang pamilya naman ni Krystal ay nalaman nung napalabas sa news na nakidnapped sya.

Hinarang kasi ung kotse ni Krystal tsaka pinatulog ung driver at tinakpan sa bibig si Krystal kaya nakatulog.

Hindi nanghingi ng ransom ang kidnappers dahil ang habol lang naman talaga nila ay si El.

Bat si El???

Gaya ng sabi nila, may binuong sariling gang ang pinsan ni El, sumali sya dun. Nagkataon naman na may nakabangga silang grupo din ng mga gangsters kaya naging dahilan ng isang away ng dalawang parties. Na naging dahilan din para maging mortal na magkaaway ang Merciless(gang nila El) sa grupo ng Devious(Grupo ni Bullet).

Kasalukuyang tinatahak ni El (OHA! TINATAHAK! LALIM GUYS!) ung way papuntang hide out nung grupo nila Bullet. Di na nya sinabi kay Yvette ung nangyayari kasi ayaw nyang mag-alala ung tao.

Basta alam nya sa sarili nyang maliligtas nya si Krystal at makakalabas sya ng buhay.

Malakas ang loob ni El, natatakot lang sya na may mangyaring masama kay Krystal, pero kung sa sarili nya, wala syang pake. Basta kailangan nyang maligtas si Krystal. Un lang.

Agad agad namang kumalat ung balitang nakidnapped si Krystal kaya nakarating un kay Zeke, nag-alala si Zeke, kahit papano kailangan nyang maging totoo sa nararamdaman nyang pag-aalala, may pinagsamahan sila ng tao kaya di lang basta basta ung nangyayari.

Captured Heartsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें