CH: Chapter 2

6K 51 5
                                    

GENERAL POV

Super sira ang araw ng tatlong bida natin dahil sa mga napuntang model sa kanila. Kaya nung pauwi na sila puro reklamo sila sa isa't isa...

"Oy. Sigurado na kayong wala ng nakalimutan dun sa studio a?" paniniguradong tanong ni El sa dalawa.

"Yep." sabi naman nung dalawa

"Sumakay na kayo. Tara na." sabi ni El at sumakay na ung dalawa.

"AAARRGGGGHHH!!!!" sigaw ni Angel sa likod.

"HUY! ANG INGAY MO! KAHIT KELAN KA!" sabi naman ni El na nagd'drive

"E kasi naman guys!! Ayaw ko naaa! Feeling ko ikakatanda ko agad pag kasama ko ung lalaking un! GWAPO NA E! KASO KUNG ANONG KINAGWAPO NG MUKHA SYA NAMAN KINAPANGET NG UGALI NYA!!!" reklamo ni Angel

"O?? E kinikilig ka pa dun diba???" tanong naman ni Nikki sa kanya

"Oo. Pero maling mali tol! Grabe lang..." sabi ni Angel na mangiyak ngiyak sa inis

"Haha! Napapala mo! Una landi ka kasi e!" sabi naman ni El tas bigla naman syang binatukan ni Angel.

"ARAY A! PAKYU KA!" sabi ni El

"Hahaha! Thank you!" sabi ni Angel

"Jusko. Di ka nag-iisa tol. Di lang ikaw! AKO!! Di ko akalain na sya pa ang mapupunta sa akin! Anak ng tinapa!" sabi naman ni El

"Ideal girl mo ung ganun diba???" tanong ng dalawa

"Oo nga dude. Pero alam nyo un?? Kung ganun lang ang ugali ng babaeng gusto ko. Magpapakasingle na lang ako habang buhay!" sabi naman ni El

"Alam nyo ung tipong kung di lang sya babae siguro kung ano ng nagawa ko sa kanya." sabi pa ni El

"Hahaha! Ginusto mo ng babae di ba?? Ayan napala mo." sabi ni Angel sa kanya.

Medyo nananahimik lang si Nikki sa may front seat at napansin naman un ni El

"Ikaw dude. Ikaw lang ata ang pinakamagandang model na napuntahan e." sabi ni El

"Oo nga. Mukhang walang problema sa team nyo e." sabi naman ni Angel na nag i'i touch sa likod

"AKALA NYO LANG WALA! PERO MERON MERON MERON!" sigaw naman ni Nikki. E dahil sa gago ung dalawa nyang kaibigan bumanat naman sila

"Wow dude!" sabi ni Angel tas pumalakpak

"Dude photographers tayo a? Di tayo artista. Drama much ang peg mo a!" sabi naman ni El

"MGA LECHE!" sabi ni Nikki

"Hahaha! Pero seryoso dude. Anong problema? Panget ugali??" tanong ni El

"Hindi. mabait sya. ATa?? Kasi sya nag-approach sa akin unlike sa inyo. Pero ano kasi...." pambibitin ni Nikki

"ANO???" tanong naman ng dalawa dahil nabibitin sila

"KAMUKHA NYA EX KO!" sabi naman ni Nikki

"SABI NA E!" sabi naman ni El tas tumingin sya kay Nikki after nyang hampasin ung manebela.

"HOY EL! MABABANGGA TAYO!" sigaw naman ni Angel sa likod kaya prineno agad ni El na naging dahilan ng sobrang lakas na pagtilapon ni Angel sa likod.

"ARAY! LECHE!" sabi ni Angel

"Hahaha! sorry. Nasobrahan sa brake. Peace men!" sabi naman ni El na may pagka cool magsabi kaya nabatukan sya ng dalawa

"Peace na! HAHAHA!" sabi na lang ni El

Captured HeartsWhere stories live. Discover now