CH: Chapter 39

2.7K 44 5
                                    

NIKKI’S POV

“Ha?? Ocge. So susunod ka na lang dun?? Cge, basta magtext ka na lang a?” sabi ko kay Troy

May usapan kasi kaming magdidinner kami ng sabay. E galing pa syang Antipolo dahil sa shooting ng isang show nya.

“kelan nga pala balik ni El?” tanong ko kay Angel

“Uhm. Thursday?? Di ko sure.” Sabi ni Angel

“Duga naman kasi. Di pa tayo sinama. Tapos ang kasama nya pa dun si krystal. Medyo awkward.” Sabi ko

“E gusto nga ni El na isama tayo. Kaso sabi ni Yvette walang maiiwan sa shop, tas wala ding pupunta sa Kho’s company pag sumama tayong dalawa.” Sabi ni Angel

“Nakakapagtaka lang. Buti di alam ni Yvette ung past nung dalawa. Kundi, sigurado akong di hahayaan ni Yvette na ipadala si El kasama si Krystal.” Sabi ko

“Uhm. Ewan ko lang. feeling ko naman, kung alam ni Yvette ok lang sa kanya since ang tagal na din. Tsaka tignan mo naman si El, wala namang reaction. Parang ok lang sa kanya. Nakamove on na kasi talaga si El dude.” Sabi nya

“sabagay. Un pa naman pag umayaw na ayaw na talaga. Di na mababago ang isip.” Sabi ko

“Ay. Nga pala, aalis ka?”  tanong ni Angel

“Oo. Mamayang gabi pa naman, gusto ko ngang gamitin ung kotse kaso wala akong license.” Sabi ko

“Baka gusto mong pag nalaman ni Kuya Jacob yan e sunduin ka dito at dun ka patirahin??” sabi ni Angel

“Eish. Sabi ko nga diba?” sabi ko

Pano naman kasi, uung kuya Jacob ko na un napaka ano! OA! Ang laki ko na pero parang bata pa din ang turing sa akin. Jusko. Mas gusto kong kuya si kuya Dave, tinuturing na ko sa naaayon sa edad ko. Pero pareparehas kong mahal ung mga un. Sadyang nakaka-ano lang ung pagiging OA ni kuya Jacob.

8:00PM…

Gutom na ko..

Asan na ba si Troy??

Di ko naman kasi sya tinetext pag alam kong may ginagawa sya, kaso anong oras na wala pa din syang text. Ano un di kami tuloy???

Pero sana nagtext muna sya..

BIZZ! BIZZ!

 

Baka sya na to…

Niks! Asan ka?!

 

AY PUCHA! SI ZEKE LANG PALA…

Bakit??

Reply ko..

Wala naman. Labas tayo.

Sabi nya..

Di ako pwede. May date kami ni Troy.

Reply ko..

Captured HeartsOnde histórias criam vida. Descubra agora