CH: Chapter 16 (Nikki and Troy's POV)

2.8K 34 4
                                    

NIKKI’S POV

Solo flight ako ngayon.. Iniwan ako ng dalawang un.. Ako din naman namili na magstay dito e. Isa pa, baka mapikon lang ako sa mga batang makukulit dun. Mahilig ako sa bata pero depende sa mood ko. Pag di maganda gising ko walang bata bata sa akin..

Si AJ kaya? Tawagan ko at papuntahin dito. Wala kong makadaldalan e. Tapos wala pa kong kasamang maglunch. -_____-

ANO TO??!

FOREVER ALONE??!!>____<

Biglang bumukas ung pinto ng studio… Hay salamat at may magpapapicture na din..

“Goodaft----“ bati ko sa pumasok kaso nung nakita ko…

“Hi Nikki!” sabi nya.

“T—troy??!” sabi ko

“Yah. Surprise!” sabi nya. Paksyet! OO! Andito sya! Ano na naman bang kailangan nito??!

“aa.. Anong ginagawa mo dito??” tanong ko

“E diba sabi mo ikaw lang mag-isa dito ngayon?? Since niyaya kita at sinabi mong di ka pwede, ako na lang nag-adjust. Wala din naman akong gagawin e.” sabi nya.

“A…. Pero di mo naman kaila—“ sabi ko kaso pinutol nya

“Alam ko. Pero gusto kitang makasama e.” sabi ni Troy. PAKING SHET!! Feeling ko ang pula pula ng pisngi ko!

“H—ha?? B—bakit?” tanong ko

“E kasi namiss kita.” Sabi nya pa. AISH! PAKSYET!! PWEDE BA TROY ITIGIL MO YAN!

“A… O—ok.” Sabi ko na lang. tas maya maya may pumasok ulit sa studio…

“A. Excuse me, family picture sana..” sabi nung pumasok na babae.

“A. Nikki, family picture daw.” Sabi ni troy, natulala kasi ako!

“Ay! Oo!” sabi ko

“A, dito po tayo ma’am. Pili na lang po kayo ng background nyo tsaka kung anong set ang gusto nyo.” Sabi ko.

“Anong mas ok na promo sa family picture?” tanong nung babae

“Eto pong set D ma’am, may kasama na tong dalawang 5R size tapos apat na wallet size.” Sabi ko

“A. ocge ayon na lang.” sabi nung babae kaya sinabihan ko na sila na mag-ayos na para makuhaan ko na..

Habang ako nireready ko ung slr ko.. Eto namang si troy nasa gilid ko lang pinagmamasdan ung ginagawa ko…

At nung nakaupo na ung pamilyang magpapapicture, pumwesto na din ako.. Ang cute nila.. Namiss ko tuloy magulang ko at mga kuya ko pati ung baby brother ko..

“Ok na po a? Ok, compress pa po ng onti..” sabi ko

“Yan.. 1……2…….3…..smile!” sabi ko

 

Click!

Captured HeartsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu