"Ah, she's there nga pala sa green room."

"Narinig ko nga boses niya. She's with whom?"

Napakagat labi si Valeen. Lumapit ako sa may pinto at dahan dahang binuksan yun. Sapat na para masilip ko ang nasa loob. Napakunot noo ako dahil may kausap siyang lalaki at tawa sila ng tawa.

"Chelmo.."

Tumingin ako kay Valeen.

"Who's that guy?"

"Kim Last."

Napabuntong hininga ako.

"Last na niya yan."

Naglakad ako pababa sa kotse ko at pumasok doon.

"May nagpasaya na pala sayo.."

Inopen ko ang cellphone ko at tiningnan ang Kim Last na yun. Trending siya sa notif ko. Sumayaw pala sila kanina. Napailing nalang ako.

"I'm better than him."

Thank God nandyan ang mga fans namin na marunong mag edit at nag send sila ng maraming pics namin ni Julie na sobrang sweet kahit papaano lumuwag ang pakiramdam ko. Hindi ko lang kinaya kung ano man ang nakita ko kanina. Napatingin ako sa may hagdanan doon. Nanlaki ang mata ko na makita siya na hingal na hingal habang palingon lingon sa paligid. Lumabas ako sa kotse ko. Nakita naman niya ko.

"MOE!"

Tumakbo siya sakin at niyakap ako ng mahigpit. Yumakap din naman ako sakanya pabalik. Geez, namiss ko siya.

"Bakit di ka pumasok sa green room? Nakita ka daw ni Val.."

"B..Busy ka eh."

"Busy? Hindi naman...wait."

Tumingin siya sakin.

"Busy kay Kim?"

Tumango ako at nag pout. Natawa naman siya.

"Nag throw lines lang kami, mahal ko."

"Akala ko napapasaya ka niya."

"Seloso. Hahaha."

Inakay ko siya sa harap ng kotse ko. Inupo ko siya doon at nakatayo naman ako sa pagitan ng legs niya. Nakahawak ako sa bewang niya.

"May manga akong binili."

Nawala ang ngiti sa mukha niya.

"Hey..why?"

"Nang aasar ka ba?"

Umiling ako.

"Sorry Moe.."

"Don't be sorry. Julie, forget about it, okay? Wala tayong pakialam doon."

"Nakakasar lang kasi..alam ko na hindi dapat pero.."

Nilagay ko ang hintuturo ko sa labi niya.

"Shhh. Listen okay?"

Tumango siya. Ang cute niya lalo na naka sookie outfit siya ngayon.

"Hindi ko maipapangako sayo na mapapasaya kita palagi lalo na may sarili tayong pagsubok na nilalabanan. Pero ito lang ang tatandaan mo. Sakin lang MANGAgaling lahat ng matatamis na salita para mapangiti ka."

Ngumiti naman siya.

"Tulad ng?"

"Tulad ng ang ganda ganda mo.."

Haplos sa mukha niya.

"Tulad ng..mahal na mahal na mahal na mahal kita."

Natawa naman siya at niyakap ako ng mahigpit.

"Thank you."

Napangiti ako.

"I told you. I'm your Superman."

"My Man."

Sabay halik ng madiin sa labi ko. Napapapikit naman ako at dinama ang halik niya.

"Uiiiiiii.."

Napahiwalay kami ng makita namin sila Barbie at Val pati si Joey kasama si Kim Last na last na niya yung ginawa niya kanina. Kilig na kilig sila samin. Binaba ko si Julie.

"Choolielmo" si Val.

"Mokong and Hulyeta!" Si Barbie.

"Gino at Marga!" Si Joey.

Napatingin kami kung may sasabihin si Kim.

"JuliElmo...?"

"Correct. You go by that name. JuliElmo. Julie will always be a part of Elmo."

Pinalo naman ako ni Julie.

"Wag mo nga takutin."

Kinuha ko ang cap na suot ni Julie at sinuot yun. Ngumisi naman ako. Inakbayan ko si Kim.

"Sabi nga ni Tito Boy, tara usap tayo."

At naglakad kami ni Kim.

"ELMO! Wag mo saktan yan ah! Seloso ka talaga!"

Ngumisi lang ako kay Julie.

"I love you!"

The End. 

JuliElmo One Shots Book 2Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt