“Mira!” Biglang tawag sa akin ng Department Manager namin na nagpatayo naman sa akin bigla.

“Sir! Sir, hindi po ako ang pumatay kay Rizal. I swear!” Napatawa naman ang mga kasamahan ko sa sinabi ko. Napakunot naman ang noo ng DM namin.

“Ano ang nangyayayri sayo?” Nagtatakang tanong niya.

“Lasing lang po sa kape Sir.” Sagot pa din ng officemate ko na nagpailing sa Manager namin.

“Itigil mo na nga yang pagkakape mo. Ito, pakidala nga sa office ni Ma’am Raziel. Kailangan daw niya ngayon.” Tapos ibinigay niya sa akin ang folder at tumalikod na. Tumayo na lang ako at lumabas ng Department namin dala dala ang folder at sumakay na ng elevator papunta sa floor ng office ni Ma’am Raziel. Pero nung nakarating naman ako sa floor nila, naihi naman ako kaya pumunta muna ako ng CR at umihi. Pagkalabas ko sa CR tsaka naman nakita ko si gab na papasok sa elevator. Anong ginagawa niya sa floor na to? Dito ba ang pinsan niya nagwowork? Baka secretary ng mga big boss.

Pero may isa pa akong napansin sa kanya. Hindi na siya naka-POMADA!

Dali dali akong pumunta sa elevator at pinigil ito bago bumukas. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya nung pumasok ako. Pero hindi siya nagsalita. Ni hindi niya ako binati. Ako naman, masyado atang natulala sa bago niyang get up. Nakajeans siya at naka polo pa din pero nakikita ko na iba na ang aura niya. Hindi na masyadong makaluma ang color combination. O dahil nadadala lang sa wala niyang pomadang buhok. At dahil sa likas akong madaldal, kahit hindi niya ako pinansin, nagsalita pa din ako.

“Naubusan ka ng pomada?” Nakataas pa ang kilay ko nung sinabi ko yun. Nakita kong muntik na siyang mapangiti pero agad ding nawala iyon. Gusto ko na tuloy siyang hampasin ng folder na dala ko na dapat ibinigay ko na kay Ma’am Raziel.

“Hoy! Kinakausap kita!” Sabi ko na nung napansin kong wala siyang balak na sagutin ako.

“No.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nag english ulit siya!

“Wala kang baon na tagalog words ngayon?” Naiiritang sabi ko. Okay, gusto kong makipagbalikan sa kanya peor hindi ko pa rin makalimutan ang katotohanan na dumugo ang ilong ko sa tagalog niya.

“Mira…” Sabi pa niya pero mukhang may pag aalinlangan pa siya.

“Tama lang yan. Mag explain ka.” I crossed my arms in front of me.

“Hindi ako mag eexplain.” Ay talaga namang normal na siyang magsalita. Lalong kumulo ang nagpapalpitate kong puso.

“Mag explain ka, dahil kung hindi…” Hindi ko na madagdagan ang sasabihin ko kasi wala akong maidadagdag. Ano nga bang threat ang pwedeng kong sabihin sa kanya? Hindi pwedeng rape dahil nasa elevator kami.

“Kung hindi?” Paghahamon na sabi niya at kahit hindi siya nakangiti, basang basa ko na ang amusement sa mga mata niya. Pinagtatawanan ba  ako ng taxi driver na to?

“Ah basta! Mag explain ka kung bakit dinaan mo ako sa malalim na tagalog. You owe me an explanation. I deserve it kahit na… kahit na…break na tayo.” Hindi talaga matanggap ng sistema ko ang break up namin at lalong hindi matanggap ng sistema ko na may fiancee na siya. Pero mamaya na yun. Mamaya na kami magtutuos tungkol dun.

“I didn’t mean to do that. It just so happen na nagpapraktis ako nung mga panahon na yun at nung nakita kita, nakakita ako ng opportunity na gamitin yun sayo. At hindi ko na nga nabawi because I didn’t expect na magkikita pa tayo ulit.” Bumukas ang elevator at nasa lobby na pala kami. Lumabas siya ng elevator at sumunod pa din ako. At bago pa siya makatakas, hinatak ko siya papunta sa may coffee shop sa lobby.  Ewan ko kung kaladkarin ba talaga itong si Gab dahil nagpapahatak naman siya sa akin or namiss din niya ako. Siyempre mas tinatak ko sa isip ko na namimiss niya ako kaya ganito siya ngayon.  Umorder ako ng cake at kape kahit wala akong pera at siya naman ang nagbayad. Ahhh… namiss niya talaga ako. Pero binawi niya agad ang ilusyon ko.

“Mira, wala lang ito ha. Gusto ko lang talaga mag explain sayo kasi nga…. Ex gf kita.” Tumaas ang kilay ko. Ipukpok ko kaya sa kanya ang frappe na iniinom ko? Panira ng ilusyon

“Okay. Fine. Whatever. Magexplain ka na. Dali! Bakit ka nagpapraktis maging makata?” Kumamot siya ng ulo at umiwas ng tingin sa akin.

“Wa-wala. Naisipan ko lang na aralin yun.” Sabi niya. Hmmm…. Kakaibang trip ha. Pero mabuti na lang at hindi na ako manonosebleed ulit sa kanya.

“So ibig sabihin nagpapraktis ka din na maging conservative at gentleman?” Isinubo ko ang cake at nakita ko siyang lumunok.  

“Hindi ah!” Agad na sagot niya. At unti unting pumula ang pisngi niya. Napanganga ako. Napatigil ako sa pagsipsip ng frappe ko. Gabriel blushed! Ito ata ang first time na nakita ko siyang nagblush! My Gosh! Nagbablush pala siya?

“But Mira, I’m really sorry. Hindi ko naman intensiyon na pahirapan ka sa pagtatagalog ko.” Sasabihin ko na sana na okay lang yun. Wala na yun pero biglang nagbago ang isip ko. Tiningnan ko siya ng mabuti at nung nakita niyang nakatingin ako sa kanya nag iwas siya ng tingin.   

“Hindi! Hindi ko matatanggap ang sorry mo. Hindi mo alam ang hirap na dinanas ko maintindihan lang ang mga sinasabi mo. Muntik na akong malow blood dahil sayo.” Buong conviction ang pagkakasabi ko. Napabalik ang tingin niya sa akin.

“A-ano ang gusto mong gawin ko para matanggap mo ang sorry ko?” Hmmm… move on pala ha. Kung talagang nakamoveon na siya, wala na siyang pakialam kung patawarin ko man siya o hindi. And since importante pa din sa kanya ang pagpapatawad ko, ibig sabihin hindi pa siya nakakamove on. Malaki pa ang pag asa ko. Ngumisi ako ng lihim.  Worth it talaga ang tatlong litrong kape, nagiging smart ang isip ko. Gising na gising ang diwa ko.

“Makipagbalikan ka sa akin para mapatawad kita.” Mahina pero madiin kong sabi. At nakita ko siyang biglang…

Namutla. 

That Mighty BondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon