[ 37 ] Decision

Magsimula sa umpisa
                                    

"We’re sorry Axel. We just want you to be prepared for everything that is why we are telling you this"

"Hindi ako makapaniwala na kaya niyo ito gawin kay Jin"

Pagkatapos nilang kumain ay dumeretso sila sa ospital para bisitahin si Jin. Nandoon ang mga kaibigan ni Jin para magbantay. Kahit si Terrence ay nandoon din kaya naipakilala na ni Axel si Terrence sa mga magulang nila. Para masolo ng pamilya niya si Jin ay lumabas muna sila. Hindi napigilan ng Mommy ni Jin ang umiyak.

"Jin, nandito na si Mommy at Daddy. Please wake up our baby girl"

"Charel, be strong okay? Lumaban ka! Maraming naghihintay sa paggising mo baby"

Nilapitan ni Axel ang mga magulang niya para yakapin. Alam niya na gusto na sumuko ng mga magulang niya pero kailangan niya ipakita na matatag pa din siya at hindi siya susuko kahit ano pa man ang mangyari. 

"Mom, Dad, wag kayo mag-alala dahil magigising din siya. Wag tayong sumuko kahit na alam natin na sumusuko na si Jin"

***

Kinabukasan ay pumunta silang lahat na magkakaibigan para magbantay kay Jin. Bilang na lang ang araw sa taning ng doctor pero hindi pa din sila sumusuko. Kumakain sila nang mapansin na may mali sa heart monitor ni Jin.

"Steven tumawag kayo ng doctor! Bilisan niyo!" sigaw ni KL

Nagmadali si Steven na tawagin ang doktor at pagdating nila doon ay pinalabas na muna silang lahat. Nang lumabas ang doktor ay agad siyang nilapitan nang mga magulang ni Jin.

"Kayo po ba ang magulang ng pasyente?"

"Kami nga. Kamusta na siya?" tanong ng mga magulang niya

"Nagkaroon ng problema sa heartbeat ng pasyente. Akala namin hindi na niya malalagpasan ito pero nalagpasan niya. Alam niyo na din naman po siguro ang tungkol sa kalagayan ng pasyente. Bihira sa mga kagaya niya ang nagigising pa at inaabot iyon ng 10-20 years. Ang iba, nagkakaroon pa ng amnesia" pagpapaliwanag ng doktor

"Doc, what are our options?" -Dad

"Dalawa lang ang maisasuggest ko, hayaan niyo siya na manatiling ganito kung saan bubuhayin lang siya ng machines at hintayin ang paggising niya na walang kasiguraduhan kung mangyayari o euthanasia kung saan tatanggalin niyo na ang mga machines na bumubuhay sa kanya. I’m very sorry Sir, Mam but those are the only options that you have. Sige po"

***

Isang araw pa ang lumipas. Nasa labas ang mga magulang nina Jin habang ang mga kaibigan ni Jin ay nasa kwarto. Nilapitan sila ni Axel at paglapit doon ni Axel ay niyakap siya ng Mommy niya at lalo itong umiyak.

"We’re very sorry Axel. Labag man ito sa loob namin pero suko na kami ng Daddy mo. Ngayon na ang tapos ng isang linggo. Ayaw na namin makita ang kapatid mo na nahihirapan"

"Ano bang pinagsasabi niyo Ma? Hindi niyo pwedeng gawin ito!"

"Axel, nanay ako at sobrang hirap para sakin na makita siya na binubuhay na lang ng napakaraming makina. Mahal na mahal ko ang kapatid mo at nasasaktan ako tuwing nakikita ko ang mukha niya. Kitang kita na nahihirapan na siya"

Hindi na napigilan ni Axel na umiyak sa narinig niya. Alam niya na totoo ang sinasabe ng mga magulang niya at kahit siya ay nahihirapan na din na tingnan ang sitwasyon ni Jin.

"Ma, paano si Jin? Papatayin niyo siya sa gagawin niyo at hindi ako papayag na gawin niyo yun. Hindi pa din ako sumusuko kaya sana kayo din!" 

"Axel--"

"Dad, wag niyo na ituloy. Kahit maghintay pa tayo ng sampung taon, kakayanin natin ito. Maawa kayo kay Jin"

"We made our decision and that decision is final"

Iniwan siya ng mga magulang niya doon at saka sila pumasok sa kwarto para ipaalam sa mga kaibigan ni Jin ang desisyon nila. Hindi maintindihan ni Axel kung bakit kailangan pa nilang gawin ang mga bagay na iyon. Isang araw na lang ang natitira dahil puputulin ang life supporter ng kapatid niya kinabukasan.

***

Naghanap ng tyempo si Terrence na wala ng ibang tao sa kwarto ni Jin bago niya ito lapitan. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari kay Jin. Hinawakan niya ang mukha ni Jin saka hinawakan ang kamay niya.

"Jin, nagmamakaawa ako. Gumising ka na. Alam ko na pilit kang lumalaban kaya hanggang ngayon ay nandito ka pa din. Kapag hindi ka nagising bukas ng gabi, tatanggalin na nila ang life support mo. Gusto mo pa mabuhay hindi ba? Kung sila sumuko na sayo at tinanggap na ang desisyon ng mga magulang mo, ako hindi. Hindi ako susuko sayo. Handa akong maghintay kahit na sampu o dalawampung taon pa basta magising ka lang"

Nalulungkot si Terrence dahil alam niya na hindi siya naririnig o nakikita ni Jin. Talagang nahulog na ang loob niya kay Jin at napakasakit sa kanya na makita itong nagkakaganito dahil sa aksidente na kinasangkutan nila. Napalingon siya nang may pumasok sa pinto. Dumating doon si Steven na mag-isa.

"Steven, mag-usap tayo na tayong dalawa lang" seryosong sinabe ni Terrence

"Yan lang ba? Walang problema. Kailangan din kitang makausap" sagot ni Steven

Game of Love [ PUBLISHED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon