Natawa nalang ako sa sinabi niya.

"Papa!"

Tinawag ko si Papa pero walang sumasagot kaya hinanap ko siya. Hala asan sila? Lumabas ako sa garden at nagulat ako sa nakita ko. May dalang bulaklak si Papa. Bouquet. Tapos si Mama naman cake.

"Ma..Pa.."

Lumapit ako sakanila.

"Hindi ito para sa graduation mo. Para ito sa anniversary niyo. Alam namin na pinapahalagahan mo ang araw na ito kaya naisip namin na isurprise ka." Sabi ni Mama.

Hindi ko naman maiwasan na maluha. Inabot sakin ni Papa ang bouquet of roses na hawak niya. Pinunasan niya luha ko.

"Hindi man ako kasing gwapo ni Elmo, hayaan mo muna si Papa na maging Elmo mo ngayong araw."

Napatawa naman ako.

"Papa talaga.."

Hinalikan niya ko sa noo.

"Mahal ka namin anak. Tara na ihahatid na kita. Kakain nalang tayo mamaya para ang celebrate ng anniversary niyo."

"Pwede ba yun? Siya lang mag celebrate?" Tanong ni Joanna.

"Oo naman. Kaya nga ako muna ang Elmo niya ngayon eh."

Natawa ako.

"Pa, mas gwapo kayo sakanya."

"Naman!"

Papunta na kami sa school. Ihahatid lang nila ko. Pagkadating sa school nagpunta na ko sa pag gaganapan ng baccalaureate mass. Ilang sandali pa natapos na ito. Pinapunta ako ni Sir Glen sa office niya. Pagpasok ko..

"Woah."

Binigyan niya ko ng bouquet of tulips.

"Para saan po Sir G?"

Ngumiti siya.

"Happy Sixth, Julie."

Pati pala si Sir Glen alam.

"Thank you po."

"See you tomorrow?"

Tumango ako.

"See you tomorrow."

Maaga dumating si Papa. Sumakay ako sa harap kasi wala naman si Mama at mga kapatid ko. Hindi naman na nagtanong si Papa kung kanino galing ang bulaklak siguro alam din niya. Habang nagmamaneho si Papa may naisip ako. Siya kaya? Naaalala nga kaya niya ang araw na ito?

Napabuntong hininga ako.

May nakita kasi ako na babae at lalaki. Binigyan ng lalaki yung babae ng heart na balloons. Kanina ko pa naiisip, masakit pala na ikaw lang yung nagpapahalaga sa araw na ito. Ikaw lang yung binabati. Dalawa kami na bumuo sa araw na ito eh pero ako lang mag isa ang nag celebrate. Ako lang ang nagpupumilit sa sarili ko na maging masaya.

"Iniisip mo siya?"

"Po?"

Ngumiti si Papa.

"Wag ka mag alala. Nakita ko sa twitter ng Mama mo kanina na binabati at pinatrend kayo ng fans niyo so hindi ka nag iisa na mag celebrate ng araw na ito."

"Papa talaga..hayaan nalang po natin."

"Papasayahin kita ngayon anak."

"Anong ibig niyo pong sabihin Papa?"

"Date tayo."

Natawa ako. "Po?"

"Diba sabi ko sayo, i'll be your Elmo Magalona today so date tayo. Gawin nating special ang araw mo."

JuliElmo One Shots Book 2Where stories live. Discover now