[ 34 ] The Promise

Magsimula sa umpisa
                                    

G: Alam mo Steven, masyado kang mapapel. Alam mo naman na nagbibiruan kami dito tapos sineseryoso mo -___-

S: Kung ikaw nga dyan eh. Sa biruan din nina jin at zeke kyo nag away diba?

G: Ayun lang ba alam mo? Hindi na ako nagtataka. Paano mo naman pala malalaman kung puro babae lang naman inaatupag mo :) 

A: Hey guys! Cut it out! 

S: Palibhasa kasi mas bitter ka pa sakin. Hindi mo nga inaalam yung saloobin ni jin eh. kaya pati yung taong mahal ko dadamay mo pa. Pati mga ex ko syosyotain mo pa. Ano ka tiga pulot ng basura ko?

G: Bitter? Sino mas bitter satin? Wala nga akong pakealam sa mga babaeng yan. Wala na akong problema kung seseryosohin nila -___- Taong mahal mo? Iba naman shinosyota mo -___- 

S: Bakit possible bang maging kame? sa ngayon? tss.

G: Tss -__- Hindi ako manghuhula. Tanong mo kay spencer!

S: k.

Nababadtrip lang ako dito kaya hindi ko na pinatagal. Naglog out na din ako pagkatapos nun. Nakakainis. Sa lahat ng lalandiin niya, bakit kailangang kasama pa si Aine? At eto namang si Aine, sinasakyan din yung trip niya. Tss. Ewan! Unti unti ko na nakakalimutan si Aine e. Tanggap ko na yung sa fiancee niya pero hindi ko pa din talaga maiwasang mainis sa ginagawa ni Gab. Mukhang naging mas malala pa siya sakin e. Nagkakaroon na ng gap saming tatlo nina Spencer at Gab dahil sa ginagawa ni Gab. Kami na lang tuloy palagi ni Spencer magkasama.

3rd person's POV

Tuesday night. Si Gab ay nasa kwarto niya ngayon at nakainom na naman. Kakatapos niya lang din manigarilyo. Nakahiga siya sa kanyang kama nang biglang tumawag sa kanya ang tatay niya. Mukha namang seryosong bagay ang pinaguusapan nila. Pagkatapos nila magusap ng tatay niya ay bumangon siya sa kanyang kama at lumabas siya ng kanyang kwarto para puntahan si Mafelle.

"Mafelle, aalis na ako bukas" sabi ni Gab

"Kuya? Saan ka naman pupunta?"

"Japan. Doon na ako titira"

"Kuya! Bakit doon ka na titira? Diba pumapasok ka pa? Paano yun? Sasama na lang ako sayo. Ayokong maiwan dito"

"Pumasok ka. Titigil muna ako sa pagaaral. Tutulungan ko si dad doon"

"Bakit naman biglaan kuya? Si Dad? Magkakasama kayo doon?"

"No. Si Dad nasa China kasama parents ni Jin. Sige na. Aalis muna ako. Magpapabook muna ako ng flight"

Lalabas na sana ng kwarto ni Mafelle si Gab pero natigilan siya sa sinabe ni Mafelle.

"Paano si Jin? Iiwan mo na lang siya ng ganun?"

"Tapos na yung samin ni Jin. Kaya niya na ang sarili niya. Hindi siya bata at wala akong responsibilidad sa kanya"

Tuluyan na din namang lumabas sa kwarto ni Mafelle si Gab. Naligo at nagayos naman si Gab para pumunta sa airport at magpabook ng ticket papuntang Japan.

***

Nakabalik na si Gab sa kanilang bahay galing sa airport. Dala dala na niya ang plane ticket papuntang Japan. 6:00 am flight ang pinabook niya. Nagayos na siya ng kanyang gamit nang biglang pumasok si Mafelle sa kanyang kwarto.

Game of Love [ PUBLISHED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon