"Really? Haha. That's good.

(Yes. Hehe..so GTG muna?)

"Okay. I love you."

(I love you)

After ng tawag nag set up na ko sa roofdeck ng building ng condo ko. Doon kami mag movie night slash dinner date. Bumili pa ko ng mga rose petals at siyempre roses din para sa mahal ko. Matapos nun humiga muna ko. Todo smile pa ko kasi alam ko magugutuhan niya ito. Pinikit ko muna ang mata ko. Hanggang sa..

"Moses? Moses!"

Napamulat ako ng mata. Tumingin ako sa paligid. Gabi na? Gabi na!! Napabangon ako.

"Hala gabi na!"

"Oo nga anak, gabi na. Bakit ka dito natutulog? Sabi sakin ng guard nandito ka daw eh. At ang effort ah?"

"May date po kasi kami ni Julie."

"Oh kaya pala, where is she?"

Tiningnan ko ang oras. 7:45 na. Wala pa din siya?

"Tawagan ko lang po."

Tinawagan ko siya pero hindi ko naman siya macontact. Tinawagan ko si Barbie.

(Moe! Napatawag ka?)

"Hi Barbara. Sorry kung naistorbo kita pero tanong ko lang kung nandyan si Julie?"

(Ha? Umalis na siya nagmamadali. Pupunta siya sa school niya.)

Napakunot noo naman ako.

(Moe?)

"Uhm, yeah. Hehe. Thanks barb."

Binaba ko na ang tawag. Tumingin ako kay Mommy.

"Oh ano na anak? Parating na siya? Magugustuhan niya tong effort mo for sure."

"Mom, pasabi po sa driver iligpit na po lahat yan. Yung mga foods dalin niyo nalang po sa antipolo."

Naglakad na ko.

"Hey! Why? Asan si Julie?"

Napayuko ako.

"Hindi na po siya darating.."

Wala nanaman kasi ako sa priorities niya. Pumunta na ko sa room ko at nahiga. Hindi ko maiwasan mag isip ng negative pero yun ang nararamdaman ko. Ilang beses na itong nangyari. Yung hindi kami makakuha ng as in date talaga. Yung oras lang talaga naming dalawa. Naiintindihan ko naman na busy siya pero pareho lang naman kami. Pinikit ko ang mata ko.

"Baka tama nga..pinaglayo na tayo ng maraming taon..baka senyales na yun na hindi pa tayo pwede magsama..hay Julie Anne, this is too much, so much that it hurts.

At nakatulog na ko.

Ikaw, ang pag-ibig na hinintay.

Puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na..ikaw

Ikaw, ang pag-ibig na binigay.

Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko ligaya't pag ibig ko't ikaw..

Nagising ako ng may marinig ako na kumakanta at humahaplos sa pisngi ko. Napatigil siya. Pilit siyang ngumiti sakin. May kinuha siya sa likod niya at pinakita sakin yun.

"Dapat bibili ako ng pizza pero maghihintay pa ko ng 20 minutes kaya heto bumagsak ako sa Jollibee. Okay lang naman ang cheese yum burger diba?"

Umupo ako ng maayos.

"Y..Yeah."

Inabot niya sakin yun. Pareho kaming kumakain ngayon sa kama. Hindi kami nagkikibuan. Tahimik lang kami. Hindi naman ito ang naka visualize sa isip ko. Dapat nanunuod kami ng movies at kumakain ng luto ko habang nasa paligid namin ang mga bituin. Hay. Nang matapos ako pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig. Nag stay muna ko sa may lababo. Nakayuko ako. May naramdaman ako na yumakap sa likod ko.

"I'm sorry. I didn't know.."

"..."

"Alam ko ang dami ko ng atraso sayo. Hindi mo lang alam kung gaano ko kagusto na mapuntahan ka kaagad. Sobrang miss na miss na kita..miss ko na yung boyfriend ko."

Bakit ganun? Nagtatampo ako eh. Pero bakit sa yakap niya parang nawala lahat? Ganun ko lang talaga siguro kamahal si Julie. Mahal na mahal. Humarap ako sakanya at niyakap siya.

"Kahit madami akong kaagaw sa oras mo, kahit wala ako sa priorities mo, hihintayin pa din kita."

Nilapit niya ang labi niya sakin.

"I love you. Ikaw ang Ermie ng buhay ko. Ikaw din ang matagal ng hinintay ni Sookie."

Napangiti naman ako. Niyakap ko siya. Sumandal siya sa dibdib ko. Para kaming nag sasayaw ng slow dance sa mga oras na ito. Nagtagal kami kaya kinausap ko na siya.

"Baby.."

Nagulat ako na parang bumibigat siya. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit dahil tutumba siya. Sinilip ko siya at nakita ko na tulog na ito. Binuhat ko na siya at nilapag sa kama. Naawa ako ng makita ko sa mukha niya ang pagod. Kumuha ako ng towel at sando niya. Pinunasan ko siya. Pinatay ko ang ilaw tska ko siya pinalitan ng pang itaas. Meron naman kasi siyang parang short. Naka dress kasi siya na pink.

"Julie.."

Hinaplos ko ang mukha niya.

Ikaw, ang pag-ibig na hinintay.

Puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na..ikaw

"Ikaw.."

Gumalaw siya.

"M..Moe..m..moe.."

Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin.

"I love you.."

Napangiti naman ako. Hindi na siya nagsalita at tuluyan ng nakatulog. Hinalikan ko ang noo niya.

"Goodnight sweet face. I love you so much.."

So much that I'm willing to give more.

The End. 

JuliElmo One Shots Book 2Where stories live. Discover now