Single ako!!!

659 7 0
                                    

Single ako!!!

Alam kong marami tayong madalas na nabi-bitter sa mga lovestories dito that's why I made this as motivation. Walang dapat ika-bitter guys!

Reasons why it is better to be Single:

1. You have the freedom. Malaya kang gawin lahat ng gusto mo. Walang magbabawal at pipigil sayo. Like how you dress esp for girls. (except nanay mo. lol)

2. Matipid. Kung lalake ka, nasayo ang malaking advantage dito. Hindi mo kailangang mag ipon para sa regalo, walang mga monthsary, anniversary, birthday na dapat pag ipunan. Hindi mo kailangang magpa load palagi (except kung madami kang kalandian. lol) Sayong sayo ang pera mo.

3. No heartbreaks. Walang mananakit sa puso mo. Wala kang pagseselosan dahil wala naman talagang dahilan. Wala kang kinatatakutan na iiwanan ka o ipagpapalit ka. (except heartbreak sa crush) Walang mang aaway sayo, mag bubunganga, mag papabebe.

4. You can flirt whenever/whoever/to whatever you want. Pwede kang magka crush kung kani-kanino. Unlimited crush pa kung gusto mo. Pwedeng makipag fling, magpaligaw etc.

5. Party everywhere. Tugs tugs tugs!! YOLO!!

6. Lively ang social life mo. Wala ka ngang partner, nandyan naman ang barkada na magpapasaya sayo. Kapag may partner kasi nababawasan ang social life o nawawala at all lalo na kung ayaw ng partner mo sa circle of friends mo.

7. Focus sa mga bagay na gusto mo. Basketball, computer games, acads, kdramas, series, talent, career ng walang nang iistorbo sayo, hawak mo ang oras mo.

8. Family bonding syempre!

9. Peace of mind, Emotionally and mentally healthy. Wala kang iisipin na may nag chi-cheat sayo. O may nag na-nag sayo. Nagagalit sa mga bagay na gusto mo. Iwas possessive partner. Iwas paranoia. Iwas depression.

10. You have a lot of time for yourself. A lot of time to use to improve yourself. To reach your goals in life. To be a better person.

PS: Pero hindi natin masasabi kung kailan darating ang true love. Habang wala, enjoyin muna. Wag mag madali nang hindi nadadapa.

Single for 5 years
2009
Other
FEU Tech

The FEU's Secret Files 2Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin