Type of girlfriends

813 11 1
                                    

Type of girlfriends

Type of girlfriends according to their negative attitude and abnormality. 😂

Stone hearted - Ito yung mga girlfriend napaka hirap suyuin. Yung tipong ginawa mo na lahat hindi parin sapat. Kulang nalang lumuhod ka at umiyak ka ng dugo mapatawad ka lang. Kaya kang tiisin ng napaka tagal hangga't hindi niya natitripang patawarin ka.

Sadista- Sila yung mga girlfriend na mahilig manakit mapa galit o hindi. Sila yung mahilig mang hampas kapag natatawa, sila yung nangangagat, nangungurot kapag nang gigigil. Lalo na kapag nagalit. Nananapak, nanampal in short, magiging punching bag ka.

Pusong mamon- Sila yung mga girlfriend na sobrang sensitive. Konting asar mo lang napipikon. Konting tampuhan umiiyak na. Mahilig mag drama na para bang teleserye ang relasyon niyo. Kapag kasama mo manood ng sine, kahit hindi pa ganun nakakaiyak yung scene umiiyak na. Kapag may konting problema umiiyak na. Hobby ang pag iyak ganern.

High blood- Sila yung mga girlfriend na hobby ang pagiging galit. May magawa ka lang na katiting na pagkakamali, pinapalaki hanggang sa sabihan kana ng masasakit na salita kasi galit siya. Mahilig manigaw. Nagger. Kakalma lang kapag nasaktan kana ng todo todo sa mga salita niya, yung tipong umiiyak kana, saka titigil yan kasi satisfied na siya.

Paranoid- Sila yung tipo ng girlfriend na feeling nila lahat nalang ng babae sa paligid mo ay nilalandi mo o nilalandi ka. Minsan kahit wala naman dapat pag selosan, pinagseselosan. Malawak ang imahinasyon na gumagawa ka ng kalokohan kahit hindi naman. Mahilig mag lagay ng malisya sa mga bagay (ex. Pinaupo mo lang yung babae sa lrt kahit hindi naman kagandahan pagseselosan niya, eh nagpapaka gentleman ka lang naman). Kulang nalang pati mga ate mo at mga pinsan mo pag dudahan.

EX Buster- Sila yung mga girlfriend na palaging inuungkat yung past niyo ng mga ex-girlfriends niyo. Mag tatanong ng kung anu-ano about sa kanila then at the end of the day, mag seselos at magagalit siya eh siya naman yung nag open up at namilit mang-ungkat ng past in the first place. Abnormal talaga. Hahaha.

Rebel- Sila yung mga girlfriend na AYAW SUMUNOD SA RULES MO. Gusto niya susundin mo siya pero kapag ikaw na ang nag utos hindi siya sumusunod. (Ex. Bawal kang mag club, mag soot ng malaswa, etc) Gagawin parin niya kasi YOLO. Pero kapag sa kanya ginawa, halos patayin ka.

PSYCHO- Speaking of patayin. Psycho, sila yung mga girlfriend na out of the box mag isip. High level ng pagiging sadista. Psychopath, parang serial killer mag isip. Kapag nagagalit, babantaan ka ng papatayin ka niya. O kapag nag loko ka, babantaan ka na puputulin yang saging mo. Sila yung handang pumatay, manakit ng iba, lalong lalo na yung mga babaeng umaaligid sayo para lang sa relasyon niyo.

Bossy- Sila yung mga girlfriend na utos ng utos, demanding, napaka daming rules, napaka daming dos and don'ts at kapag isa man sa mga yun ang hindi mo nasunod, YOU'RE DOOMED. Para kang alalay o secretary at siya ang boss mo na dapat palagi ka lang mag obey at bawal ang "pero pero."

Elitista- Sila yung mga girlfriend na sosyal. Yung tipong out of your league. Hindi kumakain sa tabi tabi lang lalong lalo na kapag street foods because you know, they don't want to have HEPA because they are sosyal and they don't eat pipitsuging foods like those "eeew." They are the conyo conyo type. Because you know, they are usually lumaki sa states or nag sstudy sa private schools so they are used to speak English. G-R-R.

Geek- Sila yung tipo ng mga girlfriend na bawal kang magka mali may pagka-perfectionist. Grammar mo, english mo, lahat nalang napupuna. Sila yung kadalasang matatalinong girlfriends. Book worm. Mahirap patawanin. Nabo-bored sa nonsense conversation. Gustong topic about sa Government, Economy, Science, Religion etc.

Medium Abnormal- Sila yung mga girlfriend na "bored ako eh, awayin ko bf ko" tapos hahanapan ka ng butas para awayin. Yung tipong wala ka namang ginagawa pero beastmode siya at hindi niya masabi sayo ang dahilan o kasalanan mo kasi wala naman talaga. Trip niya lang talaga mang-away kasi bored siya. Walang magawa ganern.

Historian- Sila yung tipo ng mga girlfriend na matatalas ang memorya, tandang tanda pa lahat ng mga kasalanang nagawa mo kahit ilang taon na ang nakakalipas. Hindi mo na maalala pero naaalala parin nila at uungkatin nila yun para gisahin ka. Paulit ulit nilang itatanong kung bakit mo ginawa yun at paulit ulit mo naring sinagot.

PARANG wapakels type- Sila yung tipo ng girlfriend na tahimik. Hindi marunong magalit. Hindi mahilig mag bawal. "Sige lang. Go." Kahit anong paalam mo, oo agad ng walang kung ano ano pang tanong. Hindi showy kapag nag seselos. Hindi rin nagger. Sobrang luwag sayo. Either may tiwalang girlfriend o wala lang talagang pake sayo. HAHAHAHA.

PS: Dagdag nalang kung may kulang. 😬

Girlfriend
2010
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 2Where stories live. Discover now