Mataba

942 7 0
                                    

Mataba

Mataba ako kasi hindi ako payat. Hindi ko rin balak magpapayat. Hindi ko balak mag papayat para lang sa sasabihin ng iba. Kung nag wo-worry kayo sa health ko? Once a month ang full check up ko at alam kong healthy ako. Mataba ako hindi dahil tatlong plato at limang gatang na kanin ang nauubos ko sa isang upuan. Mataba ako kasi tabain talaga ang metabolism ng pamilya namin. Yung tipong konting kain lang halata na agad ang naidagdag sa katawan. Kung anong idinali at ikinasarap ng paraan ng pag taba ganon naman ang ikinahirap at hindi ikinasarap ng mga paraan para pumayat.

Sanay na akong laitin at ihalintulad sa mga hayop gaya ng baboy, elepante, balyena at kung ano ano pa. Bata palang ako naririnig ko na yun so wala ng bago dun. Manhid na ako. Ngayon nga natatawa nalang ako eh. Kasi narealize kong marami talagang taong makakapal ang mukha manlait ng kapwa pero itsura nila kalait lait din naman.

Hindi ako mag eeffort magpapayat para lang tanggapin ako ng karamihan. Hindi ako magpapapayat para lang sa sasabihin ng mapanghusgang lipunan. Pero alam kong balang araw kapag matanda na ako, kailangan kong gawin yun para sa kalusugan ko pero sisiguraduhin kong hindi para sa ibang tao. Mataba ako kasi marami akong pera pambili ng pagkain. Mataba ako kasi may nakakain ako at marami yun. At kahit mataba ako masasabi kong MAS ako hindi lang sa katawan kundi pati narin sa pag iisip dahil kailan man, hindi ako nanlait sa itsura ng kapwa ko kasi alam kong may malalait din sa akin.

Mataba ako at proud ako! Mataba ako at may lovelife, buo ang pamilya ko, may pinag aralan ako at may trabaho ako. At hindi KATABAAN ang dahilan para maging loser ako sa buhay.

Proud Fatboy
2011
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 2Where stories live. Discover now