Hindi tayo si Popoy at Basha

637 13 0
                                    

Hindi tayo si Popoy at Basha

"Nagkaroon ako ng boyfriend, siya ang first boyfriend ko. Tumagal kami ng higit sa apat na taon. Pero kagaya ng iba naghiwalay din kami. Bakit? Wala eh. Wala kasing forever.

Isang taon pagkatapos namin maghiwalay nagparamdam ulit siya.

Non Verbatim
Siya: Pwede pa ba?
Ako: Alin?
*Ganun kasi ang ilan satin di ba? Kahit alam na natin kung ano yun mas gusto pa rin natin na sabihin nila.*
Siya: Tayo.
Ako: Bakit?
Siya: Kasi satingin ko tayo talaga para sa isa't isa. Para tayong si Popoy at Basha.
Ako: Hindi tayo si Popoy at Basha.
Siya: Bakit naman?
Ako: Kasi si Popoy di naghanap ng iba. Nag three month rule siya. Eh ikaw? Tangina mo 3 minute rule ka lang, tapos sa kaibigan ko pa.

Sa mga lalaking kagaya ng EX ko. Tandaan nyo pag ang tanga natuto, malamang nag review na! Lul."

Ako si Anna, Hindi si Basha
2013
Institute of Tourism and Hotel Management (ITHM)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 2Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu