Sorry.

582 7 0
                                    

Sorry.

January 2014 sa apartment ko.

Her: Babe, I'm pregnant!!!
Me: Huh?
Her: Buntis ako! Hindi ka ba masaya?
Me: Hindi ko anak yan!
Her: Anong hindi mo anak? Eh ikaw lang naman...
Me: Hindi ko anak yan! Hindi ko pananagutan yan! Umalis kana dito!

(Hindi pa ako handa maging tatay. Hindi pa ako graduate. Ano nalang ang sasabihin ng mga magulang ko? Ano nalang ang sasabihin sakin ng mga conservative relatives ko? Paano ko bubuhayin yan?)

Yan ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko nung mga oras na yun.

Nakipag hiwalay ako sa kanya at sinabing hinding hindi ko pananagutan ang bata. Iyak siya ng iyak. Tumayo siya at umalis. Ilang minuto, natauhan ako sa mga nasabi ko na dala lang ng takot at galit. Hinabol ko siya.

Pero, habang pababa... Nakita ko siyang nahulog sa hagdan. Agad agad akong tumakbo sa kanya at binuhat siya. Nakita ko ang dugo sa sahig na nagmula sa likuran niya. Dinala ko agad siya sa ospital. Takot na takot ako.

Habang nasa emergency room siya, inuuntog ko ang ulo ko sa pader. Napaka gago ko. Anong ginawa ko. Anong sinabi ko. Lumabas nalang ang doctor at sinabing namatay ang bata. Tinatanong ako kung anong nangyari pero hindi ako makasagot. Basta iyak lang ako ng iyak.

Isang napaka laking pagkakamali na nagawa ko sa girlfriend ko pati narin sa anak ko. Kung maibabalik lang ang panahon, sana nagpaka lalake akong harapin ang mga nagawa ko.

Hanggang ngayon hindi niya parin ako mapatawad. Napaka laki parin ng galit niya sakin. Kahit sarili ko hindi ko rin mapatawad hanggang ngayon. Sana malaman niya na pinagsisisihan ko ang lahat. Sorry, Jessica.

Drew
2010
Institute of Architecture and Fine Arts (IARFA)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 2Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu