Confession of a f*ck buddy

916 11 0
                                    

Confession of a f*ck buddy

SPG

Una palang, nagsumpaan na tayo na walang mahuhulog sa isa't isa kasi hindi pwede. Kasi may mahal kang iba. Kasi ayaw mong magkasakitan tayo. Pero na violate ko ang number one rule ng pagiging f*ck buddy. Minahal kita.

Hindi mo ba alam kung gaano kasakit sakin na naaalala mo lang ako kapag nakakamdam ka ng libog na hindi mo mailabas sa girlfriend mo? Kasi nirerespeto mo siya. Mahal na mahal mo siya kaya kahit anim na taon na kayo natitiis mong hindi siya ayain ng ganun o iwan siya ng tuluyan kasi ang plano niyo kasal muna.

Sobrang laki ng respeto mo sa kanya na hindi mo maibigay sakin, sino ba naman ako diba? Pang altar siya, pang kama lang ako. Siya yung tipo ng babaeng ipinapakilala sa magulang at ako yung ginagamit lang kapag kailangan. Kaya naman nakakainggit siya.

Inggit na inggit ako sa kanya kasi kahit magkasama tayo siya parin ang nasa isip at puso mo. Kapag nalalasing ka palaging pangalan niya ang binabanggit mo.

Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan na kapag nakikipag s*x ka sakin tinatakpan mo ang mukha ko kasi girlfriend mo ang iniimagine mong ka-s*x mo, pangalan niya rin ang mino-moan mo.

-

Sa haba ng pinagsamahan natin sa paalam din matatapos ang lahat. Next month kasi ikakasal na kayo kaya masayang masaya kang nagpaalam at sinabing kalimutan nalang ang lahat at manatiling magkaibigan. Para sayo ganun lang kadali tapusin ang lahat. But yeah, alam ko namang dadating din tayo sa puntong iiwanan mo na ako kasi wala na akong silbi.

Makukuha mo na kasi sa kanya ang nag iisang kailangan mo sakin hindi ba? Pero okay lang. Masaya ako para sayo. Wala naman dapat akong karapatang magalit at mag drama ng ganito kasi kaibigan mo lang naman ako. Kaibigang kasama sa mga araw ng kapusukan, kaibigang magpararausan.

past time whore
2007
Institute of Education (IE)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 2Where stories live. Discover now