Not attractive

984 33 1
                                    

Not attractive

The first time I saw her, I honestly don't like her. I don't find her attractive and she's too far from the looks of my exes. Maganda, hot, sexy, mestiza, elite and she was like, thin, short hair with a dark skin and living in a simple life. Everyone in the class knows that this girl likes me. But I really don't like her.

Until one time, pinag partner kami ng magaling kong prof sa isang project. Inis na inis ako. For all the people in the class, bakit siya pa? Ang annoying niya para saken. Panay padala ng love letters and shit, panay ang papansin niya. But for the sake of my grades, I have to obey and finish the project quickly para hindi ko narin makasama pa ng matagal ang pinaka annoying classmate o admirer ko na 'to.

Bago kami umuwi nag decide kami kung saan gagawin yung project sabi ko saamin na kasi ayaw kong mag stay sa lugar kung saan man siya nakatira. Pag dating sa bahay nakita kong nag aaway nanaman ang parents ko. As usual. So inaya ko siya na sa kanila nalang gawin kasi no choice na. Pag dating namin sa kanila, grabe ang dami niyang kapatid. Ang liit ng bahay nila. Marumi. Parang squatters area na dikit dikit ang mga bahay at may mga maiingay na kapit bahay. Nagdadalawang isip ako kung doon ba o hahanap nalang kmi ng panibagong place. Pero hinila niya ako papasok. Then when I entered the house grabe, ang init sa bahay nila at ang sikip. Hindi ako sanay. Ibang iba ang lugar na nakasanayan ko sa lugar na nakasanayan niya.

Nagpaalam siyang mag luto siya para sa mga kapatid niya kasi wala pa yung mom niya na tindera daw sa palengke. Habang kunwari nagbabasa ako ng book namin for project pinagmamasdan ko siya. Nagluluto siya habang yung mga younger siblings niya nakaupo sa mesa at nag hihintay sa pagkaing ihahain niya. At that point na amaze ako sa kanya. She's a good and responsible sister. Mas lalo akong na amaze habang pinagmamasdan ko kung paano siya makipag interact sa mga kapatid niya. Para siyang toddler na nakikipag laro sa mga bata. And that makes her look attractive to me. She caught me looking on her then ininvite niya ako to eat with them pero nung una umayaw ako because of pride pero naramdaman kong kumulo yung tyan ko kaya no choice kundi kainin ang hinain niyang pagkain. The food was very good. A simple fish but I can say, that was the most delicious food I've ever tasted in my whole life. Sabi ko sa sarili ko, wow! This girl can cook.

Hanggang dumating yung mom niya galing palengke bitbit ang mga paninda nilang gulay. Sa pinto pa lang sinalubong na niya ang mom niya, nag mano, ipinaghain ng pagkain at minamasahe ang balikat habang sinasabing mataas ang nakuha niyang grades sa exams. Kitang kita sa mga ngiti ng mom niya kung gaano siya ka-saya. Yung family nila na kahit namumuhay ng simple ay palaging masaya, ibang iba sa family ko. Yung ate ko may sariling mundo. Parents ko may sarili ding mundo kaya sa bahay palagi akong mag isa.

I don't find this girl attractive at first, but the goodness in her heart makes her look more than attractive.

Four days naming ginawa yung project na kaya namang tapusin ng dalawang araw lang. Sinadya kong patagalin kasi gusto ko siyang makilala pa. At sa loob ng apat na araw na yun nag bago ang tingin ko para sa kanya. Unti unti siyang gumaganda para sakin. Unti unti akong na fa-fall sa kanya. Kahit hindi siya ganon ka-ganda, yung ugali niya towards her family, her friends, towards people is better than the outside beauty. After that four days, niligawan ko siya.

-
Three years na kami ngayon at sabay na gagraduate sa May. That project was a blessing in disguise. Kung wala yon, hindi ko makikilala ang pinaka magandang babae sa buong mundo. Ang babaeng pakakasalan ko.

Chris
2012
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila



The FEU's Secret Files 2Where stories live. Discover now