A boyfriend confession

1K 12 0
                                    

A boyfriend confession

Iniwan ko ang girlfriend ko. Pero hindi dahil ako ang nang-iwan, ako na ang masama at siya na ang bida sa istorya. Tatlong taon naging kami. Tagal na namin pero sinayang ko lang? Ilang beses kong pinag isipan ang desisyong ito halos araw araw sa loob ng tatlong taon.

Nakilala ko siyang ibang iba sa ugaling ipinapakita niya sakin sa mga huling taon na naging kami. Mahal ko siya at hindi ko itatanggi yun. Siguro sasabihin niyong "kung mahal mo, edi sana hindi mo iniwan" that's bullshit! Madalas kayong mag rebutt ng ganyan palibhasa hindi kayo ang nasa sitwasyon!

Napaka lunatic niya na. Yung wala ng araw na hindi ka niya hahanapan ng butas para awayin? Magseselos sa mga bagay na hindi naman dapat. Clarify ko lang ha, wala akong ginawa noon. Hindi ako nag cheat noon o tumingin o nakipag landian sa ibang babae. Never! In fact, lahat ng accounts ko alam niya passwords ultimo passcode ng cellphone ko. Never padin siyang nakakita ng naging friendly ako sa iba o may ganung instance kasi hindi naman talaga ako friendly kahit kanino. In short, wala pa siyang naging issue sakin na dapat ipagselos. May naging ex siya pero hindi cheating ang reason ng break up nila. May location detector pa siya para malaman kung nasaan ako. Like wtf? Ganon ka ba ka walang tiwala? Yung pakiramdam eh parang pinag bibintangan kang mag nanakaw kahit hindi ka naman nag nanakaw o nag nakaw. Araw araw nag dududa. Magsisimula kami sa maayos na usapan but we'll usually ended up with a petty argument na siya lang ang may gawa. Parati niya akong minumura, sinisigawan, dine-degrade kahit wala akong ginagawa. P*ta! Wala akong ginagawa! Hanggang sa mamba-blackmail na mag hiwalay na kami. Ilang beses nabang nakipag hiwalay yun at ako ang halos mamatay para maayos lang ulit. Pupuntahan ko pa siya sa kanila para suyuin pero sampal at mura lang ang inaabot ko madalas.

"Selos? Sobrang mahal ka lang niyan." Alam ko na yan. Laspag na laspag na yang linyang yan. Ganyan din ako nagseselos din ako. Pero yung kanya? Iba na! Gumagawa na siya ng mga scenario na malayo sa reyalidad at iniisip niyang "baka" ginagawa ko kahit hindi naman pero inaaway niya ako. Sobrang mahal ko siya at kahit tumingin sa ibang babae hindi ko magawa at hindi ko gagawin dahil mahal ko siya pero yung ipamukha niya at iparamdam niya sakin na "WALA SIYANG TIWALA" sino ba namang hindi mapapagod dun? Sino ba namang tao ang hjndi masasaktan dun? Parang ang gustong palabasin ay sinungaling ka at hindi ako maniniwala sayo! Parati kong ipinaparamdam na mahal kita, hindi kita lolokohin, sayo lang ako. Pero wala talaga. Balewala lahat ng effort ko iparamdam yun sa kanya. Tatlong taon, apat na buwang okay pero the rest kulang nalang masiraan na ako ng bait pero pinili kong mag stay kasi akala ko kapag tumagal magbabago siya pero lalong lumalala.

Nakaka stress na. Sobrang toxic na niya sakin mentally at emotionally. Yung tipong hindi ako makapag aral ng maayos kasi palagi siyang beastmode sakin. Imbis na maging inspiration naging destruction siya sa pag aaral ko. Pagod na pagod na ako sa mga murang natatanggap ko. Wala siyang respeto. Gusto niya irespeto ko siya pero sakin hindi niya yun maibigay. Napaka emotional bully niya. Gusto niya palagi akong nasasaktan at umiiyak. Ilang beses ko na siyang gustong ayusin at kausapin gusto kong malaman ang rason gusto ko siyang intindihin kung bakit siya ganun pero as usual, nauuwi lang lahat sa away kasi minamasama niya.

Tao lang din ako. Kahit nag mamahal, napapagod din.

Siguro kailangan kong mahalin naman ang sarili ko at itigil ang pagiging masokista for a while. Kailangan ko munang huminga ng maluwag at mabuhay ng masaya. Sabihin na nating ang unfair ko at sariling kaligayahan ko lang ang iniisip ko pero unfair naba na maisip pahalagahan ang sarili na isinakripisyo ko sa mahabang panahon?

Ngayon puro ka-bitteran at pag paparinig lahat ng post niya sa facebook niya at lahat naman nasa kanya ang simpatya pero hindi nila alam, sya naman talaga ang problema.

Sa ngayon, gusto ko muna ng space. Gusto ko munang mag reflect siya sa ugaling meron siya ngayon.

Salamat sa confession na "You should go and love yourself" by FMDL na nabasa ko dito. Salamat kasi hindi bias. Alam mo din ang side ng mga katulad ko na napapagod din. Sana nabasa niya rin yun at mag bago siya for her own good.

Boyfriend
2010
Institute of Architecture and Fine Arts (IARFA)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 2Where stories live. Discover now