Confused

1.3K 9 0
                                    

Confused

"I'm confused. Di ko alam kung ano ba susundin ko. Nagexam na ako sa different universities para sa upcoming grade 11 and 12. Una, buong buo loob ko para makipagsapalaran sa Mnl at makapag aral. Tamad ako magaral. Pero kahit ganun mataas naman kahit papaano grades ko. Sakit ako sa ulo ng pamilya ko pero mahal nila ako. To make this story short, ang brother ko sa manila din nagaaral, dad ko sa cebu naka based, ang mom ko sa bahay lang siya at laging may inaasikaso at ako naman sa bahay lang din. Pero paano yun? Minsan lang umuwi si kuya at papa. Paano yun kasi mag mamanila na rin ako? Magiisa si mommy dito sa bahay? Paano yun kasi malulungkot siya? Kung ako nga, umiiyak ako kapag aalis na si kuya at papa para magtrabaho at magaral. Ang sakit para sakin na di makumpleto pamilya araw araw. Nakakalungkot na kami nalang dalawa ni mama. Masaya pala oo, pero kulang. Paano yun pagdating ni mama sa bahay wala ako? Walang magsasaing sakanya? Walang magaasikaso sakanya kapag pagod siya? Walang magmamasahe sakanya kapag tulog siya? Paano yun wala na siyang kausap kapag nawala ako? Paano yun malulungkot si mama? Paano yun madedepress lalo si mama? Ikwekwento ko nga pala ang storya ng mama ko pero saka na kasi masyado mahaba. Paano si mama? Ang selfish ko ata. Iiwan ko siya para lang sa pagaaral ko. Paano si mama pag nagkasakit? paano kapag may masamang nangyari? Paano kapag nilooban bahay namin? Paano kapag? Paano?

Hindi ko alam. Mahal na mahal ko si mama. Hindi niya magawa sumama sa manila dahil madami siya inaasikaso at isa na dun ang lola at lolo ko. Ginagawa ko lahat para masuklian lahat ng pagod at sakripisyo na binibigay nila ni papa . Mahal na mahal ko si mama. "

Girly
1233
Other

The FEU's Secret Files 2Where stories live. Discover now