Siyam

1.1K 8 0
                                    

Siyam

"*Hello po, gusto ko lang po mag labas ng saloobin sa sitwasyon ko. Sana po mabigyan niyo ako ng advice. Thank you po smile emoticon

Ang saya saya ko. Nagkagusto sakin yung may gusto sakin, nung nagpaulan siguro ng ka swertehan si Lord wala ata akong dalang payong nun kaya sobrang thank you talaga ako. Pero hindi lahat ng ka swertehan ay pawang swerte talaga, kumbaga there's a catch in it somewhere. Hinding hindi talaga mawawala ang problema sa buhay.

Ako nag aaral sa FEU Tech, naka tira lang sa may Quiapo area. Siya naman nag aaral sa MCU (Manila Central University) sa may Caloocan, naka tira pa siya sa may Malabon. Long distance relationship na ba 'yon? Hindi ko alam kung ano ang tamang basehan ng LDR pero halos minsa lang kami magkita, siguro maka tatlong meet up kami ang swerte na namin non. First niya ako, first ko rin siya. Kaya napaka swerte ko nun, katulad nga ng sinabi ko hinding hindi mawawala ang problem kahit gaano ka pa ka-swerte. Bukod sa malayo ang school namin, bawal pa siya magka girlfriend. Kaya tuwing lumalabas kami, para kaming mga wanted criminal na nag tatago sa mga otoridad.

Despite all of our issues, I'm willing to wait for the right time that she is ready to introduce me to her parents and accept me. No matter how painful distance can be, not having her in my life would be worse. She means everything, my first and last.

I love her so much......that it hurts."

yam
2014
Other
FEU Tech (FIT)

The FEU's Secret Files 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon