DUTERTARDS

857 5 0
                                    

Okay, we're done for the first round and tomorrow is another day for this topic. Thank you sa mga nag pa-participate.

I just want to leave this open-letter here since marami akong nakikita na disrespectful Duterte supporters sa mga post para sa ibang candidates. Nagandahan ako sa post na ito at sana makakuha kayo ng aral dito.

(Credits to the owner)

DUTERTARDS

"May hangover pa ako sa Debate kahapon kaya pinaglaanan kong gumawa ng ganito kahabang talata. First of all, gusto kong sabihin na supporter ako ni DU30 at either Miriam or DU30 ang mananalo, masaya na ako at palagay na ang loob kong mababago ang pangit na sistema ng Pilipinas.

"Dutertards" a derogatory term na ipinantatawag sa atin ng mga taga ibang partido dahil karamihan daw sa atin, walang disiplina at warfreak. Hindi ko naman maitanggi yun dahil kahit ako napapansin yun. "Karamihan" hindi ito paglalahat. Ang ayoko lang, gine-generalize din tayo negatively kasi may term nga na "individuality" eh which explains na hindi lahat ng tao pare-pareho ng ugali at pag iisip. Kapag nagbabasa ako ng articles tungkol sa mga Presidentiable Candidates at mapupunta ako sa thread, hindi mawawala yung may isang mag co-comment na hindi raw siya maka DU30 o sasabihin niya ang pangalan ng gusto niyang maging Presidente.

Asahan na natin sa mga replies ng comment niyan may mga DU30 fans na aawayin siya o ipapamukha kung bakit dapat gustuhin niya rin si Duterte. Why can't we accept na iba iba ang paniniwala natin? Eh sa gusto niya si Mar Roxas o Si Binay o si Grace Poe? Dun niya nakikita ang potential ng magaling na presidente eh? Dapat ba nating pakialaman yun? Choice niya yun bilang isang lisensyadong botante! Choice niyang mamili ng gusto niyang iboto. Sabihin man nating mali ang desisyon o kagustuhan niya, wala na dapat tayong pakialam dun. As long as alam natin kung sino ang nararapat iboto, hayaan natin ang iba sa karapatan nila.

Meron ding iba na mag e-express ng opinyon nila tungkol kay Duterte, oh sabihin na nating bastusin si Duterte through cursing or bragging sa comment section o sa post. Syempre magagalit tayo. Beastmode and all. Magagalit tayo kasi minura niya at nilait ang ating pinakamamahal na Mayor. Anong gagawin natin? Lalaitin din natin ng todo todo at mumurahin ng higit pa sa ginawa niya! Ironic. Hindi ba't wala tayong pinagkaiba sa kanya? Naisip niyo ba yun? Bigotry and hipocrisy at its finest lang ang peg?

Dun sa issue ng isang isko sa UPLB na nambastos kay Duterte. Sabihin na nating bastos siya kasi ininterrupt niya ang taong hindi pa tapos mag salita which is hindi naman talaga tama. Issue din daw yung tono ng boses at ang linya niyang "Para makauwi narin po kayo" kahit willing na ngang mag extend si Mayor ng time para i-explain ang sagot sa tanong niya yet binanggit niya parin yun. Intentional man o hindi ang ginawang pambabastos kailangan ba nating halos patayin siya sa Social Media? Puro foul words sa buong pagkatao niya. May RIP Stephen Villena pa na ginawang fanpage. Deserve niya bang matanggap yun? Ako nag react ako na napaka disrespectful ng dating niya para sakin and he needs to read his GMRC book more often as a figure of speech, aaminin kong nainis din ako sa kanya pero hindi ko naman ipinaabot sa extent na laitin ang physical appearance niya, sabihan siyang sana mamatay na siya o kapag dumaan yan dito gugulpihin ko yan o sana mag bigti na siya at idamay ang buong pamilya niya sa panlalait. Kagaya ng mga nababasa ko sa comment section. Sana nag focus tayo sa action na ginawa nung tao hindi sa personal niyang pagkatao. Si Mayor Duterte na po ang nag sabi, wag nating bullyhin yung estudyante. But the damage has been done between the two parties. Tayo as supporters at siya as a student whom was given the right to ask questions.

Alam kong hindi ko maipi-please lahat ng tao particularly mga kapwa duterte supporters ko. Maaaring may mga tumuligsa din sa open-letter ko na 'to dahil marahil iba ang pagkakaintindi nila sa puntong gusto kong iparating pero gusto ko lang sanang sabihin na we can defend our chosen president in a mature way. Wag tayong masyadong patola (mapag patol). Wag na nating pansinin ang mga naninira kasi alam naman natin kung ano ang totoo. Alam nating minsan mga fans/supporters din mismo ang nagiging dahilan ng pagkasira ng isang public figure.

Pero hindi ko isinasarado ang isip ko na baka may ibang culprits din dito na galamay ng ibang kandidato at nagpapanggap na Duterte supporters para dungisan ang tingin satin ng mga tao. Pero hindi na mahalaga yun. Ang mahalaga, hindi natin dapat patunayan ang maling perspective nila sa atin bilang Duterte supporters."

The FEU's Secret Files 2Where stories live. Discover now