Family man

669 10 0
                                    

Family man

"Ikaw lang ang pinaka importanteng babae sa buhay ko."

Siguro yan yung linyang palagi niyong naririnig sa mga boyfriends niyo. Sakin kasi, hindi ganyan..

Unang beses kong narinig sa kanya:

"Hindi lang ikaw, kundi dalawa kayo ni mommy ang pinaka importanteng mga babae sa buhay ko."

Ang unusual. Sa ibang guy kasi, they feel ashamed to show that they are mama's boy, they want to look like a grown man na macho at hindi na bini-baby, pero siya hindi. Turn-on at plus pogi points siya para sakin kasi sobrang mapagmahal niya sa family niya lalo na sa parents niya. Kapag birthday ng mom niya, nagpapasama pa sakin yun sa mall para lang ako ang pumili ng ipang-reregalo niya. Sobrang sweet niyang anak at nakakatuwa kapag nakikita kong kinikiss niya sa cheeks at hina-hug niya yung mom niya, kaya lalo akong naiinlove sa kanya. 💞

Sabi nga eh, mahalin mo yung lalaking mapagmahal sa pamilya kasi dun mo masusukat ang pagiging responsableng lalaki niya at kung magiging anong klaseng magulang siya sa time na magkabuo na siya ng sarili niyang pamilya.

aintselfishgf
2011
Other
FEU NRMF

The FEU's Secret Files 2Where stories live. Discover now