"Wala kang pakialam, post ko to"

906 9 0
                                    

"Wala kang pakialam, post ko to"

Once na i-public mo yang post mong yan, binibigyan mo narin ng right makilala ka at mahusgahan ka ng tao sa gusto mo man o sa hindi. Alam nating may freedom of speech, free country to, profile mo yan. Wala namang pumipigil sayong mag post ng kung anong gusto mo eh pero dapat aware ka na may manghuhusga at manghuhusga sayo. Just a reminder, we are living in a judgmental society. Parang kung paano mo lang hinuhusgahan ang mga taong nakikita mo lang din sa facebook na mali-mali ang grammar or spelling, naghuhubad sa picture, may porn, nag mumura, etc. ganun. Post din nila yun ah? Profile din nila yun pero nanghuhusga ka. Pero kung hindi ka naman ganung klase ng tao, well, good for you and keep up your good doings!

Sa mga mahilig sa followers at mag papansin o yung term nilang "famewhore" wag ng magtataka kung bakit maraming nakikialam sa buhay mo dahil lahat nalang isinasapubliko mo. Kaya nga nauso yung think before you click eh. Hindi sa lahat ng pagkakataon susundin mo ang impulse mo. Pero kung wala kang pakialam sa kanila, go ahead. Post lang ng post. I-exhaust mo ang freedom of expression mo. Pinapaalalahanan lang naman kita sa tamang pag gamit ng Social media eh. Sana medyo nalinawan ka kaibigan.

Sorry not sorry
2011
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 2Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang