Halaga

651 6 0
                                    

Halaga

""Umiiyak ka na naman
Langya talaga , wala ka bang ibang alam
Namumugtong mga mata
Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa.""

"Bes, kita naman tayo oh. Sinaktan nanaman niya ako. frown emoticon"

"Erold, di ko na kaya. Kailangan kita ngayon. Please. Kita tayo. frown emoticon"

"Bestfriend, nag away nanaman kami. Nahuli ko nanaman siyang may iba. Erold anong gagawin ko? Ang sakit sakit erold. cry emoticon"

"Bestfriend, gusto ko ng mag pakamatay."

Babagsak lang din sa..

"BESTFRIEND, OKAY NA KAMI NI MICO. Pinatawad ko ulit. Mahal ko talaga eh. Text nalang kita mamaya. Susunduin niya ako eh."

Sanay na ako. Sanay na ako na maaalala mo lang kapag hindi kayo okay. Kapag kailangan mo ng kasama at mag papatahan sayo. Kapag kailangan mo ng makikinig sayo.

I never gave you the option na iwan mo na siya.. kahit gustung gusto kong sabihin yun. Because I want you to think of it on you own. I know how much you love him. I know how much heartbreaks and struggles you're willing to deal with just for him to stay.

I don't want to make this long, but I just want you to know that I love you. I love you so much. I love you that much that even though it's tearing my heart apart seeing you heartbroken every single time because of that asshole, hindi parin kita matiis. Hindi ko parin matiis ang katangahan mo. Hindi ko parin matiis na iwanan at pabayaan ka.

"""Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nag-kasama
Iilangulit palang kitang nakitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya
Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong
Tunay na halaga""

Maghihintay ako na balang araw maisip mo rin na hindi na tama ang ginagawa mo. Ginagawa mong mag tiis sa kagaguhan ng boyfriend mo. Boyfriend mong ""binabasura lang ang babaeng pinapangarap ko.""

Hindi niya alam kung ano ang tunay mong halaga pero sana kahit ikaw nalang, kahit sarili mong halaga na hindi niya makita bigyan mo ng importansya. Dibale, nandito lang ako palagi. Bestfriend tayo diba? Nandito lang ako para patahanin ka. Nandito lang ako sa mga araw na pagod ka na sa pag papahirap ng mundo. Nandito lang ako para makinig.

Nandito lang ako para patago kang mahalin.

Erold
2013
Institute of Education (IE)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 2Where stories live. Discover now