First crush

663 9 0
                                    

First crush

Pag pasok niya ng pinto.., parang may malakas na hanging tumatama sa kanyang mukha. Parang nag ii-slowmotion ang mundo..., kasabay ng pag tahimik ng lahat.

Nag pakilala siya samin na siya ang magiging teacher/adviser namin. At ang teacher kong yun ay ang first crush ko.

Maganda siya. Ay hindi pala.. Magandang maganda.

Hindi siya kagaya ng karamihan sa mga teachers namin na matatanda at napaka sungit pa.

Twenty-three lang siya nun at labing isang taon lang ako. Labingdalawang taon ang tanda? It doesn't matter. Basta ang alam ko nun, siya ang unang babae na nag patibok ng puso ko. heart emoticon

Bukod sa pagiging napaka bait at napaka ganda.., napaka ganda rin ng boses niya. Ang sarap pakinggan. Parang palagi akong nasa alapaap. At tuwing lalapitan niya ako, nanginginig ako sa kaba. Pinagpapawisan ng malamig. Siguro ganun nga kapag inlove.

Noon wala talaga akong gana mag aral. Pero dahil sa kanya, natuto akong mag sipag. Mag sipag para makapag paimpress. Para kahit papano ma-notice niya 'ko. Kahit nga mga magulang ko naninibago sakin dahil nakikita nila akong pursigido sa pag aaral. Yung tipong puro video games ako maghapon hanggang gabi noon, naging bigla nalang puro basa at puro aral ngayon. Lahat naman ng pagod ko worth it. Top 1 ako sa klase. Palagi na niya akong tinatawag. Palaging pinupuri. Busog na busog ang puso ko. Kung noon sa pag ihi lang ako kinikilig, ngayon siya na ang rason.

Isang araw, uwian na namin nun. Hindi pa ako umuwi. Hinintay kong makaalis ang mga kaklase ko saka ko nilapitan si ma'am na busyng busy sa pag gawa ng lesson plan. Binigyan ko siya ng isang stick ng bananaque. Baon ko na hindi ko kinain para lang ibigay sa kanya. Napansin ko kasing hindi pa siya kumakain simula nang mag simula ang klase.

Nag thank you siya at ngumiti. Kilig na kilig ako. For the first time, natuto akong manligaw. Yes! Binata na 'ko! Yan ang pag iisip ko nun.

Isang beses, nag pagawa siya ng classroom project samin. Ako ang nakagawa ng pinaka maganda sa lahat. Hinawakan niya yung kamay ko para i-congratulate sa harapan. Grabe! Hinawakan niya yung kamay ko. Shet! Pwede na 'kong mamatay!! Sobrang busog nanaman ang puso ko. Hanggang sa makauwi ako sa bahay namin inaamoy ko parin yung kamay ko. Ilang araw kong hindi hinugasan para hindi matanggal yung amoy ng kamay niya. Inilalagay ko rin sa pisngi ko yung kamay ko bago matulog at iniimaging kamay niya.

Inlove na inlove talaga ako sa kanya. Yung tipong twing bago matulog iniisip ko yung maganda niyang mukha. Yung boses niya. Yung mga ngiti niya. Ang sarap pala mag mahal. Ito pala yung feeling.

Noon sa cartoons ko lang napapanood ngayon nararamdaman ko na. heart emoticon

Ilang buwan ang dumaan, ilang lessons ang naituro, ilang mga assignments at exams ang pinag hirapan, dumating ang recognition day. May medal ako nun kasi top 1 ako. Si ma'am pa ang nag sabit sakin. Hinding hindi ko makakalimutan yun. At hinding hindi ko rin makakalimutan nang halikan niya ang pisngi ko.

Nanlaki ang mga mata ko at parang nahirapan akong huminga. Grabe! Anong pakiramdam to. O__O ganyan na ganyan ang iniisip ko noon.

Dahil dun, nagkaroon ako ng lakas na loob umamin.. last day na kasi.

Gumawa ako ng loveletter. (Nakakatawang maalala!) Dinrawing ko pa ang mukha niya at mukha ko sa hulihan ng sulat at magka hawak ang kamay. Pumitas ako ng bulaklak sa garden ng school namin para ibigay sa kanya.

Pero..,

"Class, masaya ako dahil naging estudyante ko kayo. Masaya akong nakasama ko kayo kahit sa maikling panahon. Gusto ko kayong i-congratulate dahil grade 6 na kayo sa susunod na pasukan. Gusto kong malaman niyo na titigil na ako sa pagtuturo. (pumasok ang isang matangkad na lalaki sa classroom namin). Class, ito ang fiance ko. Titigil na ako sa pagtuturo dahil pupunta na ako sa amerika kasama siya at dun na kami mag papakasal. Good luck sa inyo students. Ipagpatuloy ang pagiging masipag sa pag aaral lalo kana Matthew (ako)."

OUCH! SHIT! Para akong sinuntok sa puso. Ang sakit! shit. Naiyak ako.

Hindi ko napigilang tumulo ang luha ko. Tumakbo ako palabas ng classroom at nag kulong sa cubicle ng cr. Iyak ako ng iyak habang pinupunit ang loveletter na pinag puyatan kong isulat at ang bulaklak na pinitas ko.

Unang sakit at unang patak ng luha sa unang pagmamahal. <///3 parang sinasaksak ako sa dibdib. Ganito pala yun. Ang sakit. Masakit pa sa sakit na nararamdaman ko kapag nadadapa ako. <//3

11 years later... Naalala ko siyang bigla. Inistalk ko siya sa facebook. Matanda na siya. Hindi na kagaya dati. May mga anak narin si ma'am. Parang kaedad ko noong magkagusto ako sa kanya. Hehe. Napapangiti nalang ako habang inaalala na siya ang naging first love ko. At unang dahilan ng pagiging broken-hearted ko. grin emoticon

Matapos ko siyang ii-stalk, naisipan kong ibahagi ang kwento ko sa inyo. Thanks in advance kung mapopost. Thanks din sa mga nag basa.

Matthew
2011
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 2Where stories live. Discover now