May degree ako pero bobo parin ako.

717 16 0
                                    

May degree ako pero bobo parin ako.

I grew up in a wealthy family. My mom is a doctor and my dad is a lawyer. My dad wants me to follow his profession. He has a high expectation on me, a high expectation that I've never reached. Being rich is being powerful. Kaya mong bayaran lahat. Kaya mong pasunurin lahat. Pera ang katapat ng bawat bagay. Yan ang paniniwala ko.

Being the only child, I was able to buy whatever I want. Lumaki akong spoiled. Tamad. Hindi marunong mahirapan. Puro laro. Puro asa. Hindi marunong tumayo sa sariling paa.

Sa acads, umasa lang ako noon sa mga kodigo at pangongopya sa mga kaklaseng binabayaran ko para pakopyahin ako. Kapag may bagsak ako noong highschool binabayaran ko yung teacher ko o kaya nireregaluhan ko ng mamahaling bagay para lang ipasa ako. College, hindi na pwedeng manuhol, so asa nalang sa kopya.

At the end of the day, naka graduate ako ng wala akong alam sa course na kinuha ko.

Ngayon, nararanasan ko ang consequences.

Ilang beses akong bumagsak sa law schools na inapplyan ko and my dad was very disappointed. Hindi ko nasundan ang profession nya. But even he is disappointed for having a failure son, tinulungan niya parin ako magka trabaho. May mga kakilala siya at nakapag trabaho agad ako na mataas ang posisyon sa isang kumpanya since business course naman ang kinuha ko.

Wala akong magamit sa pinag aralan ko dahil hindi naman talaga ako nag aral. Hindi lang nila masabi kasi mas mataas ang posisyon ko sa kanila pero ang bobo ko sa lahat ng bagay. Ang bobo ko.

Ngayon ko nalaman ang importansya ng pag aaral. Ngayong binabalikan ko ang mga lessons namin noong college na binalewala ko lang. Kailangan ko pang mag hire ng tutor na para akong elementary student na tinuturuan para maintindihan lahat. Kung inayos ko lang noon edi sana hindi ko kailangang gawin to. Edi sana nasunod ko ang gusto ng tatay ko.

PS: Wag kayong gagaya sa akin dahil sa huli, malalaman niyo ang hirap ng pagiging walang alam.

Rich but dumb
2009
Institute of Accountants, Business and Finance (IABF)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon