DOKTOR

947 8 0
                                    

DOKTOR

"Hinding hindi ko makakalimutan ang unang araw na nakahawak ako ng pasyenteng nag aagaw buhay. Nabaril ang pasyente. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang nag pa-panic ang lahat. Ganon pala ang pakiramdam. Nakakatakot. Nakaka-kaba. Ginawa ko ang lahat para maisalba ang buhay ng pasyenteng iyon pero wala na talaga. Hindi siya nakaligtas.

Kitang kita ko sa mga mata niya ang hirap at sakit na nararamdaman niya. Kasama ang kanyang dugo na sumisirit sa butas ng katawan niya kung saan siya nabaril. Naliligo siya sa sarili niyang dugo at ang puti niyang damit ay tila naging pula.

Na-guilty ako sa nangyari. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit siya namatay. Hindi ako makatulog. Palagi siya sa panaginip ko. Yung itsura niyang nag aagaw buhay ang tumatak sa utak ko. Umiiyak ako kasi masakit sa akin na wala akong nagawa para maisalba ang buhay niya. Ang mga iyak at hagulgol ng mga mahal niya sa buhay nang sabihin kong pumanaw na ang pasyente, napaka sakit pakinggan.

Pero habang tumatagal, habang dumarami ang pasyente ko. Nasasanay na ako. Nasasanay akong masisi pa minsan sa pagkamatay ng pasyente. Pero hindi ako nakakaramdam ng galit kahit mali ang iniisip nila dahil talaga namang ginawa ko ang lahat. Alam kong masakit yun para sa kanila at ako na may kakayahang gamutin ang pasyente ay hindi nag tagumpay. Tadhana na ang gumawa ng paraan at tao lang kami na hindi kayang labanan kung ano na ang naka tadhana.

Masakit parin para sa akin na may mga pasyenteng wala na talagang pag asang mailigtas pa. Pero isang achievement kapag nakakasagip ako ng buhay. Lalo na't kapag sasabihin ko na ang magandang balita sa mga mahal nila sa buhay na ligtas na ang pasyente, napakasarap sa pakiramdam at para bang kamag anak din ako na lubus-lubusan ang tuwa.

Mahirap ang propesyong napili ko. Pero pinili ko ito para tulungan ang mga tao. Alam ko kung gaano ka-sakit ang mamatayan. Namatayan ako ng ina at ama ng sabay at ayokong maramdaman ng iba pang mga bata ang naramdaman ko noong bata pa ako."

Mrs Tan
1995
Other
FEU NRMF

The FEU's Secret Files 2Where stories live. Discover now