Type of Boyfriends

780 10 1
                                    

Type of Boyfriends

Negative attitude and abnormalities.

Squidward- Sila yung tipo ng boyfriend na maikli ang pasensya. Sila yung hindi mo mapag hihintay ng matagal sa meeting place niyo. Sila yung tipong hindi mo maisasama mag shopping dahil walang tyaga mag lakad at tumayo ng matagal sa mall. Short-tempered. Impatient. Ganyan sila.

Fried Chicked- Sila yung tipo ng boyfriend na ma-pride. Pahirapan humingi ng tawad. Sobrang taas ng ihi ika nga. Feeling niya matatapakan ang ego niya kapag nag sorry siya. Sila yung kapag galit ka, galit din siya. Kaya kang tiisin hanggang sa ikaw na ang humingi ng tawad matapos lang. Hindi pwede dito yung mga abnormal na babae na basta bored, mang aaway kasi ang mga Fried Chicken ay hinding hindi ka susuyuin lalo na kung wala naman silang ginawang mali.

Deny pa more- Sila yung mga boyfriend na huling huli na ngang may ginagawang kagaguhan, tinatanggi pa. Lahat gagawin, lahat sasabihin para lang makalusot. Lame excuses, lame reasons. Minsan out of the Earth pa ang mga rason. Pahirapan paaminin sa pagkakamali.

The Suicidal- Sila yung tipo ng mga boyfriend na kapag inaway mo o takutin mong hihiwalayan mo mag babanta agad na mag papakamatay siya. "Mabuti nang matapos ang buhay ko kung iiwan mo lang ako." Mag bibigti ako. Mag lalaslas ako. Samahan pa ng iyak iyak kemerlu.

The Old school- Sila yung tipo ng boyfriend na halos pag suotin ka ng damit ng babaeng muslim para lang maitago ang balat mo. Parang lolo o tatay mo na nag babawal sayo na bawal yang short, bawal mag sando, bawal kita balikat, bawal kita tuhod, bawal yan, halos mag turtle neck ka na kakataas niya ng damit mo kapag kasama mo siya.

Hitler- Excessive old school type. Ito yung tipo ng boyfriend na halos lahat bawal. Bawal umattend dun. Bawal pumunta dyan. Bawal mong gawin yan. Bawal mong gawin yun. Bossy. Maraming do's and don'ts. Puro rules. Parang diktador na kailangan lahat alam niya at irereport mo muna sakanya bago mo gawin ang isang bagay.

Paranoid- Katumbas ng paranoid type of girlfriends. Sila din yung mga boyfriend na tamang duda. Feeling lahat ng lalake sa paligid mo, may balak. Feeling lahat mamanyakin ka. Pati katabi mo sa PUVs pagseselosan. Bawal kang makipag kaibigan o kumausap sa lalake kasi feeling nila masusulot ka. Sila din yung magaling gumawa ng imahinasyon na nag che-cheat ka kahit hindi naman o may communication pa kayo ng mga ex mo kahit wala naman.

Excessive Paranoid- Lahat ng sinabi ko sa paranoid, isama mo na ang bawal kang magka crush kahit kaninong lalake kahit artista pa yan James Reid, Daniel Padilla, Zayn Malik, BAWAL! Gusto niya SIYA lang. Sila yung mag bo-block ng mga friends mong lalake sa facebook at aawayin ka kapag may nag comment na ang ganda mo sa picture mo.

TagLi- Alam mo na yon. Sila yung tipo ng boyfriend na manyak. Mahilig makipag usap ng kabastusan. Mahilig sa ano. Basta alam mo nyo na yun.

Skusta Clee- Sila yung mga boyfriend na sa una lang magaling. Kung ano sila noong bago kayo, ibang iba na nung tumagal kayo. Lahat ng pangako na napako, pwede ka ng gumawa ng bahay.

Binay (Makati)- Sila yung tipo ng mga boyfriend na malandi. Makati pa sa higad. Mahilig mangbabae. Simpleng landi sa Social Media. Kupal. Ganyan yang mga yan.

Pirated DVD- Sila yung tipo ng mga boyfriend na mahilig humingi ng tawad pero inuulit parin naman yung ginawang kasalanan. Yung last chance na hiningi niya pang 10000 chances na pero di parin nagbabago. Sarap pakainin ng DVD player!

Abnormal- Sila yung tipo ng boyfriend na kagaya ng mga abnormal na babae na nagagalit over little things o no reason at all. Minsan kahit wala ka namang ginagawa nagagalit. Akala mo nireregla. May sumpong na pagiging pabebe. Gustong mag palambing. Gustong mapuri. Mahilig mag drama. "Hindi mo na ako mahal. Huhuhu."

PS: Dagdag nalang kapag may kulang! 😂

Girlfriend
2010
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 2Where stories live. Discover now