Lalaban hanggang dulo

654 6 0
                                    

Lalaban hanggang dulo

"Hi admin sana ma post nyo po to.

First time kong mag sulat dito sa FEU Secret Files, nalaman ko to dahil sa girlfriend, mahilig kasi siyang mag basa dito. Every night na mag kausap kami sa phone, nag babasa sya ng napiling kwento tapos babasahin nya, makikinig ako. Siguro mababasa nya rin to, hindi ko kasi alam kung paano sasabihin to sakanya, i have a brain cancer, incurable daw sabi ng doctor ko pero, gumagawa parin ng paraan ang mga doctor ko para mawala yung mga kumalat na tumor sa brain ko. Alam naman ng girlfriend ko na may tumor ako pero ang hindi nya Alam incurable yung cancer ko. Pero na niniwala parin akong gagaling ako. Mahal na mahal ko ang girlfriend ko, ayoko lang makita syang nahihirapan ng dahil sakin dahil alam kong may iba rin syang problema, ayokong makita sya umiiyak sa tuwing inaatake ako ng sakit ng ulo ko. Kaya minsan kahit sumasakit ang ulo ko sinasabi ko nalang na ok lang ako. Dahil ayokong nakikita syang umiiyak o nag aalala, ayokong na hihirapan sya dahil saakin. Ayokong maging pabigat. Araw araw sinasabi ko sa sarili ko napaka swerte ko naman may girlfriend akong tulad nya. Sakanya ako humuhugot ng lakas ng loob araw araw. Sya ang dahilan kung bakit ako lumalaban, alam kong gagaling ako. In Jesus name! Mahal ko sana wag kang mag tampo kung ililihim ko tong condition ko, kasi alam ko naman na gagaling ako e. Gagaling ako para sayo para saatin. Hintayin mo lang, gagaling ako, Mahal na mahal kita. Ikaw lang mamahalin ko habang buhay. Ikaw at ikaw lang. Wala na akong hahanapin pang iba. Mahal kita higit pa sa buhay ko. Na ngako ako sa magulang mo na lalaban ako na mag papagaling ako, natutuparin ko ang pangarap nya para sayo. Kaya kapit lang tayo ha? Lalaban ako hanggang dulo. Mahal na mahal kita. "

Mr. G
2215
Institute of Law (IL)
FEU Manila

The FEU's Secret Files 2Where stories live. Discover now