“Ayaw mong sagutin kita ngayon?” Tumaas na ang kilay ko. Pambihira. Ito lang ata ang manliligaw na gustong patagalin ang panliligaw.

“Hindi sa ganun. Ang totoo, lubos ang kaligayahan ko sa kaalamang tinatangi mo din ako at may kasagutan ang inihayag kong damdamin sa’yo. At hindi na kita hahayaang bawiin mo pa ang sinabi mo.” First lesson namin ang introduction to modern language. Because I felt like I can’t take it anymore.

“Good.” Yun na lang ang masasabi ko.

“Tunay akong nagagalak  na kasintahan na kita ngayon Mira.” Madamdamin niyang sabi.  

“Yeah,  me too.” Hinaplos ko an din ang pisngi niya. Ang flawless naman nito. Hindi halatang nagdadrive siya. Kunsabagay, aircon naman ang taxi niya. Kaya siguro maganda ang kutis. Ikaw ba naman magbabad sa aircon palagi.  

Nagkatinginan kaming dalawa and I swear I saw sparks when our eyes met. Lalo na at hinahaplos niya ng marahan ang pisngi ko. A warmth feeling overflowed me. At nung nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, wala na akong nagawa kundi ang pumikit.

Nararamdaman ko na ang hininga niya sa mukha ko and I felt dizzy with sensation. Pati ang hininga niya ang bango bango. Nakakalasing, nakakaadik.  Lumalalim na din ang hininga ko dahil sa anticipation because I am sure he is going to kiss me.

Of course he would kiss me. Ganun naman ang ginagawa ng mag boyfriend di ba? Lalo na at kasasagot ko lang sa kanya.

Nag pout na ako, while waiting for his kiss. I can’t wait to feel his lips on mine. Ano kaya ang pakiramdam ng hinahalikan ni Gab? Malambot din kaya ang lips niya katulad ng kamay niya? Katulad ng pisngi niya? Would it be as sweet as him?

Of course I know na hindi siya bad breath, ang bango kaya ng hininga niya.

Sobrang excited ako na gusto ko salubungin ko na lang ang mga labi niya. Pero naghintay ako.

Ano ba Mira, let him do his moves. Wag mong pangunahan. May sariling diskarte ang boyfriend mo.

Kinilig ako sa salitang boyfriend. Gusto ko ng mangisay sa kilig at sa paghihintay lalo na nung halos nga ½ inch na lang ang mukha niya sa mukha ko. Ramdam na ramdam ko na and I felt butterflies in my stomach. Parang hihimatayin ako sa anticipation.

Then I felt his lips kissed my…

Nose.

Nose?

Hindi pa ako dumilat. Nakapout pa din ako kasi ganun siguro talaga siya humalik. Sa nose muna tsaka sa noo, sa mata, sa cheeks and then saan pa nga ba? Eh di sa lips.

Naghintay ako hanggang sa hindi ko na maramdaman ang hininga niya sa mukha ko.

Binuksan ko ang isang mata ko. Medyo malayo na ang mukha niya sa mukha ko and then he said.

“Sige, pumasok ka na. Lumalamig na dito.” Mahinahon siyang sinabi like a gentleman that he is. Nakatingin lang ako sa kanya ng hindi tumitinag.

“What?” the eff? Pero what na lang ang lumabas sa bibig ko.

“Lumalamig na, pumasok ka na at kailangan mo pang magpahinga.  Di ba may trabaho ka pa bukas?” Wala sa sariling tumango ako at pinisil niya ang kamay ko bago siya tumalikod sa akin at bumalik sa taxi niya.

Hindi niya ako hinalikan? Hindi  ako makapaniwala. Tulala pa din ako. Hinawakan ko ang bibig kong hindi man lang nadampian ng labi niya.

 Oh Em Gee!!

Totoo ba yun? Hindi niya talaga ako kiniss?

O binabangungot lang ako? 

Sinampal sampal ko pa ang sarili ko. 

A/N: Mauuna talagang matapos ang story na toi kesa sa LI at RWYSC

That Mighty BondOù les histoires vivent. Découvrez maintenant