[ 15 ] Birthday Gift

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano?"

Nilapit naman niya yung mukha niya ng sobrang lapit sakin.

"I want to--"

Sh*t! Putek! T*ngna! Kung sineswerte ka nga ba naman oh! Sinukahan ba naman ako! Bullsh*t! Kadiri! Tumakbo papunta samin si Axel at binuhat niya si Jin.

"Aish. Sorry about my sister. Tara, pumasok ka na din at magbihis." -Axel

Pumasok na kami sa loob ng bahay. Pumasok din sina Mafelle, Steven, Spencer, at KL. Yung kuya naman ni Jin, dinala na siya sa kwarto niya at pagbaba niya, may dala na din siyang polo at pants.

 

"KL, pakitulungan naman ako kay Jin. Ikaw na bahala magbihis sa kanya." -Axel

"Sige kuya."

"Gab oh"  sabi ni Axel sabay abot sakin ng damit

"Salamat pre."

 

Nagbihis na ako at bumalik na sa party. Sina KL naman, bumalik na din. Natutulog na daw si Jin. Hindi pa kasi tapos yung party. Magkakasama kami ngayon nina Steven, Axel at Spencer at nagiinuman kami. Sina KL at Mafelle naman, sumasayaw.

"Hiroshi, alis na kami." -Zeke.

“Ang g*go mo Zeke! How dare you do that to my sister?!"  sabi ni Axel sabay suntok kay Zeke "Minahal ka niya! Pero anong ginawa mo?! Sinaktan mo siya! At ang lakas pa ng loob mo pumunta dito sa bahay!"

Susuntukin pa sana ulit ni Axel si Zeke pero inawat na namin siya. Tumayo na din naman si Zeke at inalalayan naman siya ni Mika.

"Hiroshi. I’m sorry. I know I deserve this. Don’t worry, iiwasan ko na siya" -Zeke

"Dapat lang! Wag na wag mo nang guguluhin ang buhay niya!"

 

Pagkatapos nun, umalis na sila ni Mika. Nagtuloy tuloy lang kami sa paginom hanggang sa may mga tama na kami.

 

"Oh mga pre! Uwi na ko! May amats na e!" -Steven

"Ako din!" -Spencer

"Sige mga pre. Sa susunod ulit!" -Hiroshi

Nagsialisan na sila. Si KL, sumabay na kina Spencer. Si Mafelle naman, sumabay pauwi sa dad ko. Nagsiuwian na din kanina yung iba pang mga bisita.

"Oi Gab, dito ka na matulog ah." -Axel

"Ge"

 

Pumasok na kami sa kwarto ni Hiroshi at doon ako natulog.

*end of flashback*

 

Jin's POV

Ano ba naman yung nagawa ko? Nakakahiya >___<

Game of Love [ PUBLISHED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon