"Umuwi na tayo. Tayo na lang tao dito. Ang tagal mo kasing magising"

"Bakit kasi hindi mo ako ginising kaagad?"

"Ang sarap ng tulog mo. Tumutulo pa nga laway mo! Hahaha"

"Hindi naman tumutulo laway ko kapag natutulog ee"

"Tara na"

"Delete mo muna yung picture!"

"A-yo-ko. Bahala ka, aalis na ako. Bye!"

"Teka, hintayin mo ako"

Biglang dumilim kaya natakot si Jin. Takot kasi siya sa dilim. Hinabol niya si Gab at kumapit sa braso nito.

"Akala ko ba ayaw mo?"

"Ayaw ko nga. Natatakot lang ako kasi pinatay na yung ilaw"

"Nakita mo yung sa dulo? May dumaan na nakaputi!" pananakot ni Gab

"Wala naman ee!"

"May multo, ramdam ko" dagdag niya

Biglang humangin kaya lalong natakot si Jin.

"Wag naman ganyan oh, natatakot na talaga ako"

Patuloy silang naglakad hanggang sa makarating sa labas ng school. Doon lang bumitaw si Jin sa braso ni Gab. Aalis na sana doon si Gab pero hinawakan siya ni Jin sa braso.

"Gab, can I ask a favor?" kumapit ulit ako sa braso niya.

"Ano yun?"

"Ihatid mo ako sa bahay. Madilim kasi sa dadaanan ko, nakakatakot"

"Ayaw ko"

"Sige na naman oh"

"Sige na nga. Kawawa ka naman"

Pumayag si Gab dahil naaawa siya kay Jin at alam niyang delikado sa daan. Habang naglalakad sila ay napansin ni Jin na walang nagsasalita sa kanilang dalawa kaya naisipan niyang magtanong.

"Gab? Gangster ka ba?"

"Hindi"

Napansin ni Jin na nasa tapat na pala sila ng bahay niya.

"Sige Gab, dito na lang ako. Thank you"

"Sige. Bye."

"Mag-ingat ka sa pag-uwi"

Umalis kaagad doon si Gab at pumasok na sa bahay nila si Jin. Nakita niya ang kapatid na nasa sala at nanonood ng tv.

"Hi kuya!"

"How's your day princess? Why are you home so late?"

"Kasi kuya..."

"Is there a problem?"

"I will tell you but I want to keep it a secret to mom and dad"

"Okay, tell me"

"Kasi nadetention ako. Lagot ako kapag nalaman nina Mommy ito"

"Papalagpasin ko ito ngayon pero ayaw ko na maulit, okay? Hindi ko na din itatanong kung bakit dahil alam kong pagod ka. Kumain ka na at magpahinga"

"Thank you kuya"

Game of Love [ PUBLISHED ]Where stories live. Discover now