After ng insidenting iyon ay hindi na ulit ako nagkaroon ng chance na makausap sya kahit na kating-kati na ako na i-confront sya tungkol sa nalaman ko na dahilan na pagwawala nya.

Alam kong mali itong iniisip ko.

Alam kong mali na hilingin na sana...kahit kaunti lang...kahit tuldok lang ay may chance paring...maging akin sya uli.

Alam kong mali dahil ang kaibigan ko na ang nagmamay-ari sa kanya ngayon.

Hindi pa nga ako sigurado kung ang dating issue ko nga ba talaga ang rason ng pagwawala nya o nagkataon lang yun. But just the thought na naaapektuhan ko parin sya ay may nararamdaman akong saya sa dibdib ko.

I hate her.

That's why it feels so wrong to feel this way.

Dali-dali kong ini-tap ang search sa screen ng cellphone ko at ini-encode ang pangalan ng babaing yun.

Gusto ko lang syang makita.

Gusto ko lang malaman kung kumusta na sya.

Agad namang lumabas ang mga results at nakita ko ang pangalan na iyon.

Park Sunny (Official)

882,597 likes

Mabilis kong binuksan yun at tinignan ang mga nakalagay sa timeline nya.

Nakita ko na nagkaroon na sila agad ng first win sa isang Music Show. They are rookies but they came from a big company kaya ganun nalang ang bilis ng pagsikat nila. Hindi ko rin maitatanggi na napaka-talented ng limang myembro ng grupo nila. Especially her. I've listened to her rap and her voice always leaves me breathless. O ganun lang ba talaga ang epekto ng boses nya sa akin?

They were even called 'QUEENS OF ROOKIES' dahil sa mabilis na pagsikat nila in just a short time.

Pero ang kilig at saya na nararamdaman ko habang tinitignan ang mga pictures nya ay biglang nawala nang makita ko ang isang picture na nandoon. Bigla nalang ay pumait ang bibig ko lalo na ng makilala kung sino ang kasama nya.

Me with my friend, BTS J-hope in our First Win Party.

At may picture pa silang dalawa doon na parehong nakangiting magkaakbay at mukhang nasa isang party sila.

Tama. Hindi pa nila inilalabas ang relasyon nilang dalawa sa media dahil ang sabi ni J-hope ay mas gusto nilang gawing private ang relasyon nila.

Hindi ko mapigilang mapaawang ng bibig habang ini-scan ang mga pictures nilang dalawa sa album na iyon.

Ang kaninang masayang pakiramdam sa dibdib ko ay napalitan ng inis at galit lalo na nang mapansin kong ini-like din ni J-hope ang lahat ng post nya. Oo, alam ko ang secret account nya dahil friend ko sya sa secret account ko.

Psh.

Pero ba't ba ako nagagalit ha?

They are in relation-shit kaya normal nang lagi silang magkasama at normal narin na susuportahan nila ang isa't isa. So why am I so butthurt about this?

Napahinga nalang ako ng malalim para ikalma ang sarili ko.

Huh.

Hindi.

Hindi ako magpapatalo sa babaing ito.

She's really having fun on making me feel like this and I won't let her do that.

I can taste the bitter taste in my mouth and I can feel my hands are trembling as I pressed 'Like'.

Yes. I did that.

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now