Chapter 31

28.4K 492 23
                                    

CHAPTER 31: BE ALONE WITH YOU

Candidates, we only have two weeks before the pageant. Magiging strict na ako sa attendance and please..no more abscences. Ang hirap ng positioning kung wala kayo. By the way, prepare your money for tomorrow. Wala muna tayong practice bukas kasi lahat tayo bibili na ng pangcasual attire sa divisoria. Guys and gals, pag-usapan na kung pano niyo gagawin yung attire niyo. Parehas dapat yung design, magkakaiba lang ng colors yung pang-itaas. Understood? Remember: Pastel colors yung theme ng casual attire.

4:30 p.m sharp at the gym. See you!

Lovelots,

Kuya MC

Yan agad yung bumungad sakin nung binuksan ko yung group namin sa fb. 

“MA! MA!” sigaw ko. Nasa kwarto ako ngayon at tinatamad talaga akong lumabas.

“BAKIT?!” sigaw niyang pabalik sakin. Rinig naman namin ang isa’t-isa kasi hindi naman ganun kalakihan ang bahay namin. At isa pa, malapit lang ang kwarto ko sa kusina kung san nagluluto si Mama.

“Malelate ako sa pag-uwi bukas ha? Magdidivi kami. Mamimili ng damit para sa pageant!”

“Naku! Madaming snatcher dun, Shin. Mag-ingat ka.”

Tiningnan ko si Mama na nasa may pintuan ko na pala. “Madami naman kami dun.”

“Kahit na. Kasama mo ba si Marco dun?”

Napanganga ako sa tinanong ni Mama pero mabilis ko din na pinarecover yung sarili ko kaya itinikom ko na lang ulit. Kunyari hindi affected!

“Ka-kasama po?” sabay baling ng tingin sa laptop.

Narinig kong tumawa si Mama. “Gusto ko yung batang yun. Kaya lang anak, tandaan mo yung sinabi ko sayo ha? Bata ka pa...”

“…madami pang mas mahahalagang bagay ang kailangan kong iprioridad.”

Tumawa na naman si Mama ng mahina. Pano ba naman..sa paulit-ulit na pagpapaalala niya sakin, namemorize ko na ata lahat.

“Shinie.. learn to love yourself first.”

“Edi Ma para na akong naging selfish nun.”

Naramdaman ko ang paglapit niya sakin at nung binaling ko ulit yung tingin ko sa kanya, nakaupo na siya sa may handle ng upuan ko. Umiling-iling siya at sinimulang hagudin ang buhok ko.

“Paano ka makapagbibigay ng pagmamahal, kung sa sarili mo’y kulang ka?”

Beyond Reaching You [COMPLETE]On viuen les histories. Descobreix ara