Chapter 10

31.7K 439 24
                                    


CHAPTER 10: SURVIVING THE PAIN

Sabi ko hindi na ako iiyak dahil sa isang lalake.

Nagkamali ako.

Akala ko manhid na ako sa sakit. Akala ko dahil sa mga naranasan ko nung high school, ay makakaya ko na kung ano mang dadating sa college life ko.

Nagkamali na naman ako.

Natanong ko sa aking sarili, bakit ba kailangan kong maramdaman ang mga bagay na ito? Bakit hinahayaan ako ni Lord na makaramdam ng sakit kung pwede namang dumating yung lalaking mamahalin ka talaga ng lubos? Bakit may mga babaeng nakakahanap na agad ng “the one”?

Ano bang kulang sa'kin?

Ang gusto ko lang naman maging masaya kasama niya sa buhay ko. Oo nga pala, reyalidad ang hinaharap ko, hindi isang fairytale na kapag nahanap mo na ang prinsipe ay magiging totoo ang salitang forever. Na magiging masaya ka na at kontento kasi alam mong hindi ka iiwan at kung may villain o evil witch man, matatalo din nila sa huli and they will live happy ever after.

Gusto kong makaranas ng happy ever after..

 

Pero sa mga nangyayari sa'kin? Unti-unting nawawala ang pag-asa kong magkaroon nun. Unti-unting na akong naniniwala na hindi totoo ang fairytale.

Na walang true love.

'Eto na naman si luha eh! Nakakainis! Nakikinig lang ako ng music tapos nararamdaman ko na naman ang pagmuo niya sa mga mata ko. Kelan ka ba titigil ha? Naiinis na ako sa pagsikip ng dibdib ko at sa pagtulo mo! Ang hirap-hirap na..

Matapos ko silang makita, umuwi na agad ako. Hindi ko nga alam kung pano ko pa nakita ang daanan kasi ang labo-labo ng mata ko. Ayaw niya tumigil sa pagtulo. I was shocked and hurt by that time. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ako, basta ang nasa isip ko lang nun ay makapunta na sa bahay at matulog.

Hoping that what I saw was just a fragment of my nightmare.

Pero hindi pala 'yun panaginip kasi kitang-kita ko ang ebidensya ng nangyari kagabi. Buti na lang walang pasok ngayon dahil hindi ko talaga kakayaning makita sila.

Ngayon ko lang pinagsisihan ang pagbukas ng fb ko. Bungad na bungad sa timeline ko ang dalawang pictures nila dun sa bleachers na galing sa phone ni Jeremy. Mga masasayang pictures nila kagabi. Tae, napipiga na naman ang puso ko pero as much as possible, pinipigilan ko. Hindi kasi siya worth it ng mga luha ko.

Mas lalo akong nasaktan nung makita kong ni-like at nagcomment pa ang mga kablockmates ko. May mga hearts at kung ano-ano pa na kesyo daw kinikilig sila or what. Yung mga kaklase kong dati kaming dalawa ni Jeremy yung tinutukso ngayon naman iba na.

Hindi ba nila alam na nasasaktan ako? Alam naman nila yung tungkol sa'min pero bakit ganun?! Bakit kung makasuporta sila, ganyan na lang?!

Beyond Reaching You [COMPLETE]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant