Chapter 9

31.5K 422 28
                                    

CHAPTER 9: TEARS

“Kapag nagmahal ulit ako, gusto ko siya na ang pangmatagalan ko.”

Naaalala ko na sinabi ni Jeremy sa'kin yan noong nakaraang buwan pa sa chat. Pero sa lahat ng mga conversations namin, 'yan ang pinakatumatak sakin. Gusto ko kasi ako 'yung babaeng tinutukoy niya. Ang sarap-sarap sa pakiramdam kapag nababasa ko 'yun. Alam ko kasi na kahit anong mangyayari, ipaglalaban at mamahalin niya ang kung sino mang maswerteng babaeng sunod na magpapatibok sa puso niya.

And I’m wishing that I can be that girl. Yung crush naman niya sa'kin pwedeng lumaki at maging LOVE diba?

Umaasa na naman ako pero hindi ako natatakot. Bakit? Kasi alam kong worth it ang taong bibigyan ko ng love and trust. Alam ko 'yun kasi hindi niya ako makakayang saktan dahil may gusto din siya sa'kin.

Alam ko yun..

Panatag ako sa kanya..

“ARAY!” Bigla ba naman akong sigawan ni Mimi sa tenga! Ang sakit ah!

“Hindi ka na naman kasi nakikinig sakin eh.” Naka-pout niyang sabi sa'kin habang naglalakad kami papuntang canteen.

“Sorry naman.” Tinap ko gamit ang aking palad ang namurder kong tenga. Ang sakit talaga! Mabibingi na ba ako? “Ang sakit nun Mimi ah! Ano pala yung sinasabi mo?” Hindi naman ako galit sa kanya, nagulat lang talaga ako.

“Ang sabi ko, sa'n tayo magkikita mamaya para sabay na tayong pumunta sa gymnasium para sa comedy bar. Diba nga may klase pa ako? Itetext mo na lang ba ako?” Himala! Ang hinahon ata ni Mimi magsalita ngayon!

“Osige!” I smiled at her.

  

Nakarating kami sa canteen at nag-order na ng mga pagkain. Oo nga pala, mamayang gabi na ang Comedy Bar thingy na 'yun. Kung hindi lang talaga sa plus points, hindi talaga ako aattend. Tsaka kasi, nalaman ko din na pupunta sina Jeremy. Pagkakataon ko na siguro para makausap siya ng medyo matagalan.

Matapos kasi nung nakita ko silang dalawa ni Chantal, parang nagkaroon ako ng urge na maging malapit pa kay Jeremy. Gusto kong makilala niya pa ako at ganun din ako sa kanya. Ayoko mang aminin pero gusto kong mahigitan ang pagkakaibigan nila ni Chantal.

“Mimi,” tinawag ko siya habang nasa kalagitnaan siya ng pagkagat sa barbecue. “Paano ba hindi kabahan kapag malapit kay Jeremy? Paano mo siya nakakausap ng normal?”

Tinuloy niya ang pagkagat sa pagkain niya at habang ngumunguya, 'yung itsura niya parang sinasabi sakin na ang dali naman ng tanong ko. Ako naman tong pasensyosang naghintay sa mahiwaga niyang sagot.

“Alam mo, normal ang pakikitungo ko sa kanya kasi wala akong nararamdamang special sa kanya.”

“Ibig sabihin, may nararamdaman siyang special sa'kin kasi nahihiya siya sa'kin eh.” At kung tama nga si Mimi, ibig sabihin.. wala nga siyang ibang feelings kay Chantal kasi normal naman ang pakikitungo niya rito.

Beyond Reaching You [COMPLETE]Where stories live. Discover now