Chapter 28

24.5K 407 20
                                    

CHAPTER 28: TWELVE MIDNIGHT

Why? It’s like a dream. A wonderful dream come true..

Yes, my child. But like all dreams... well I’m afraid this can’t last forever. You’ll have only ‘til midnight, and then...

I don’t know why those lines in my favorite fairytale suddenly popped into my mind nung nakita ko ang mahinhin na paghawak ni Bea sa balikat ni Marco. Biglang nawala lahat. The magic... The spark... It’s like the clock struck midnight.

“Bea..”

The moment he said her name, binitiwan na niya ang kamay ko. Naiintindihan ko na. Naiintindihan ko na 'yung sinasabi nilang may parteng nawala sayo. Yung parteng nabigay mo sa taong… gusto mo. Hindi ko alam kung kelan o kung pa'no, I just felt it. I like Marco.

I like him...

Matalim na tiningnan ni Bea si Marco sabay mabilis na in-inclined ang ulo sa gilid. Nakita kong napabuntong-hininga si Marco na ngayo’y nakatagilid na sa'kin. Pero kahit na ganun, napapagmasdan ko pa din ang gwapo niyang mukha at kung paano nagbabago ang facial expression niya.

Parang ngayon... kitang-kita ko ang lungkot sa mukha niya.

“Let’s go, Mac.” sinabi 'yun ni Bea ng may diin pero malumanay.

“Wait.”

“Mac naman...” Sinukbit niya ang kamay niya sa braso ni Marco. Habang tinitingnan ko sila, napamukha na naman sa'kin kung gaano sila kabagay sa isa’t-isa. Kumbaga sa fairytale, parang ako pa 'yung villain.

“Susunod ako, Bea.” He patted Bea’s hand at bumaling sa'kin. Halata sa mukha ni Bea ang frustration. Ang ganda niya sa suot niyang gold ball gown pero dahil hindi siya nakangiti, parang hindi tuloy siya nagmukhang prinsesa.

“Bea, happy birth-“

Tinalikuran na niya ako nang hindi pinapatapos ang bati ko sa kanya. Sabi ko nga eh, galit siya sa'kin. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong nginingitian at nagpapasalamat siya sa mga lumalapit sa kanya at bumabati. She really hates me...

Buti na lang hindi napansin ni Marco kasi mukhang nasa malayo ang isip niya. Nagbago talaga ang mood niya nung dumating si Bea. Pansin ko din, nasa gitna pa din kami ng hall! Pero hindi naman kami special attention kasi nagso-slow dance pa din naman yung iba. Sadyang nakatigil lang kami.

“Shinie...”

Ayan na naman siya.

'Yung ganyang tawag niya sa pangalan ko. Na parang nagiging maganda sa pandinig ang ordinaryo kong pangalan. Na parang napaka-special ng pangalan ko. Na parang ang swerte swerte ko at “Shinie” ang naging pangalan ko.

Beyond Reaching You [COMPLETE]Where stories live. Discover now