Chapter 32

27.5K 450 35
                                    

CHAPTER 32: AYOKONG NASASAKTAN KA

“A-ano?”

Okay.. rinig na rinig ko yung sinabi niya. Gusto ko lang talagang marinig ulit for confirmation. M-mas gusto niya daw akong makasama kesa sa kanila. Tama ba?! O mali lang yung pagkakaintindi ko?! Paki-ulit nga!

Tinitigan ko talaga siya na parang nasa mukha niya yung sagot.

Umiwas agad siya ng tingin. Namumula pa nga yung tenga niya eh! “Ang sabi ko.. bayaran na natin yung damit.”

Nahimasmasan ako sa sinabi niyang yun. “WALA… Wala akong pera!”

Nginitian niya ako sabay hila sakin papuntang counter. Nilabas niya yung wallet niyang pangmayaman ang dating. Napatingin tuloy ako sa gilid-gilid baka may nagmamasid na samin eh. Napansin ko din na kinuha niya yung pera niya galing dun sa nakabalot na papel.

“Nagkaroon pa tuloy ako ng utang sayo!”

“Kelan pa naging utang ang libre?”

Hindi na niya ako pinagpalit ng damit. Mukha na tuloy kaming sosyal kapag pinagtabi. Okay na sana eh.. kahit papano nagmukha akong tao habang katabi siya. Ang hindi ko lang matake eh yung obvious na pagtitig sa kanya ng bawat babaeng madaanan namin. Pwedeng hindi magpaobvious?

Ayun, nagtingin-tingin kami ng mga damit. Madalas may makikita siyang blouse tapos ipapasukat niya sakin  pero humihindi na agad ako! Aba! Dalawang blouse at isang dress na kaya yung nabibili niya sakin! Nahihiya na talaga ako as in! Nakakatuwa nga eh, kasi siya pa yung sobrang ganado mamili. Parang dati lang, nung bumili kami sa Candy Corner. Yung moment na kaming dalawa lang.

Tinry ko namang pumili ng damit sa kanya. Red na fitted polo yun. Kapag sinuot niya ‘to paniguradong magiging SUPER DUPER HOT na siya! Sheesh!

Sa huli, nagsisi din ako. Sana hindi ko na lang sa kanya pinasukat yung polo. Sana nagkulong na lang siya sa fitting room at nagkulong na lang dun! Dinumog lang naman siya ng mga babae na nasa loob ng shop. Ano ba naman. Ano baaa!!! SAKIN NGA SIYA EH!

OKAY, SAKIN SIYA SA MGA ORAS NA ‘TO. KAYA PWEDE BA- PWEDE BA?!

Nung natapos na sa pagpapapicture yung mga babaeng yun, binayaran na niya agad yung pinili ko sa kanya. Tuwang-tuwa nga siya eh. Tuwang-tuwa siya sa polong ang halaga lang eh 200 pesos? If I know, yung mga damit niyang may tatak na Folded n’ Hung o kaya’y Penshoppe ay walang-wala sa presyo ng polo na pinili ko sa kanya. Bakit ganyan kalapad ang ngiti niya ngayon? Ang sarap niya lang titigan magdamag..

“Marco..” Naisipan kong magtanong sa kanya, habang naglalakad-lakad. “Wala pa din bang reply sayo?”

Beyond Reaching You [COMPLETE]Where stories live. Discover now