Chapter 24

29.1K 480 28
                                    

CHAPTER 24: SOBRANG SAYA

Nung sinabi niya 'yun parang may sumabog na bomba sa tiyan ko. Konti na lang at ramdam ko na din ang pagsabog ng puso ko. Ang bilis. Sobrang bilis ng pagpintig niya. Hindi lang dahil sa kilig kundi sa kaba.

Halos lahat sila nakatingin sa'kin-sa'min. Lalo na ang mukha ni Bea na kanina lang ay nakalaglag lang ang panga na ngayo’y hindi na maipinta ang mukha. Buti na nga lang at nasa taas ng gym ang mga fans ni Marco. Buti na lang talaga at hindi nila narinig ang mga sinabi nito kundi.. baka hindi lang matutulis na tingin ang abutin ko sa kanila!

“S-sorry.. Kaya ko namang mag-isa.” Tinry kong patatagin ang boses ko. Sana nga hindi niya nahalata ang panginginig ko!

Tumingin siya sakin ng.. NAPAKA... NAPAKAAMO. Nagha-hyperventilate na ako sa loob! Ba’t ganyan 'yan tumingin sakin?! Kumunot pa ang noo niya na parang naghihintay siya ng explanation ko kung bakit ayaw kong pumayag sa request niya. Pero kahit nakakunot siya, ang.. ang gwapo niya pa din.

Hindi ko na siya hinayaang magsalita at pinilit ang sarili ko na tumayo kahit na medyo kumikirot ang paa ko. Nakatulong sa pagbawas ng sakit ang ginawang MAINIT na pagmasahe sa'kin ni Marco. Napapailing na lang ako. Hindi tama ‘to. Hindi tamang mag-form ako ng something sa ginagawa niya. Hindi na ulit ako pwedeng mag-assume ng mga bagay-bagay.

“Please, Shinie..”

Napapikit ako nung narinig ko ang nagmamakaawa niyang boses. Nakatalikod na ako sa kanya habang nakahawak sa pader na umaalalay sa'kin at nandun 'yung temptation na tingnan siya. Pero hindi.. hindi pwede.. kasi baka pumayag na lang ako.

“Sige na, umuwi ka na muna, Shinie. Paalalay ka na kay Marco.” sabi ni kuya MC na nasa tabi ko na pala. Ni hindi ko man lang napansin.

“What?! Kaya naman niya diba?! Nakakatayo na nga siya! If I know, umaakting lang 'yan. Just like any other girls na gustong magpapansin-“

“STOP IT, BEA!”

Lahat tumahimik. As in parang na-mute lahat ng ingay nung dumagundong ang boses ni Marco. Nakakatakot. Napalunok ako habang iniimagine kung anong itsura niya kung galit. Gwapo pa din kaya? Anu ba naman yan. Shinie! May tensyon na nga, 'yan pa ang iniisip mo!

“Greg!”

Gusto ko munang makaalis dito. Makatakas. Don’t get me wrong, gusto kong makasama si Marco. Gustong-gusto. Pero hindi pwede. Ayokong may makaaway. Natatakot akong kalabanin ang mga tulad nila. Nasanay akong maging simpleng wallflower lang na laging nasa safe side. Ayokong makalaban ang isang Bea Domingo.

Automatikong lumapit sa'kin si Greg at inalalayan ako.

“Please lang, Greg. Ilayo mo ko dito!” bulong ko sa kanya. Tumango lang siya pero halata naman sa mukha niya na nalilito siya sa nangyayari.

Beyond Reaching You [COMPLETE]Where stories live. Discover now