Chapter 35

28.6K 396 20
                                    

CHAPTER 35: HE'S MINE

One week before the pageant, kaya eto, puspusan yung practice namin. Akala ko simple lang yung pagrampa, A BIG NO-NO pala. Nandun yung medyo mabagal kapag formal wear tapos medyo mabilis kapag casual wear, tamang placing ng kamay sa bewang, pati kung ilang segundo dapat tumingin sa audience, posisyon kung saan iikot, posisyon kung saan titigil para magpose and etc.

Ang pinakamalala at torturing lang talaga sa practice namin ay yung buong  dalawang oras kaming nakaheels. May time pa na sasayaw kami para sa opening number. Just imagine, non-stop dancing with a 4-inches heels! Kaya mapapangiwi talaga kami sa sakit. At the end of the practice, makikita mo yung pagod sa mukha ng mga kaco-candidates ko. Well… excluding me.

Napapagod din naman ako! Pero nawawala lahat yun sa tuwing nakikita ko siya.

Hindi rin ako makapaniwalang nangyayari yun. May diperensya na nga siguro ako at nararamdaman ko yung mga ganung bagay. Ang dating eh.. kay Marco humuhugot ng energy. Para siyang naging battery ng buhay ko.

Yung kahit ang sakit-sakit na ng paa ko pero kapag nakita ko siyang nakatingin sakin tapos nakangiti pipilitin ko pa ding suklian yun kahit magmukhang ngiwi ang pagkakangiti ko.

“Shinie..”

Napapikit ako nung narinig ko ang napakalambot niyang boses. Iba talaga ang nagiging epekto ng boses niya sa aking nerve system. Bigla na lang bumibilis yung tibok ang puso ko..

Banat na banat yung bibig ko sa kakangiti ko pero nung humarap ako sa kanya, nakapoker face na ako at nagkunyaring gulat. Magaling ata ‘to sa pagpipigil!

“Uy, Marco!” Nginitian ko siya. Yung CONTROLLED na ngiti.

“THIS.” Kinuha niya ang kamay ko at may pinatong dun. Bago ko pa makita kung anong laman nun ay sinarado na niya ang palad ko. Kahit alam ko na naman yung binigay niya sakin. Sa araw-araw ba naman niya na ginagawa eh! Nginitian niya lang ako at bumalik na sa mga katropa niya.

Bago ko buksan yung kamay ko, nilibot ko muna ang aking mga mata sa paligid which is a wrong move, dahil kitang-kita ko ang mga nakakapatay na tingin nila sakin. Na kung may pagkakataon lang siguro ay baka ibitin na nila ako patiwarik o kaya sakalin ako hanggang sa mawalan ako ng hininga. Yes, para akong kinakatay sa pag-iisip nung mga FANS ni Marco.

Automatic na dinala ako ng paa ko sa may gilid ng gym. Lagi na lang.. lagi na lang ganito. Everytime na lumalapit si Marco parang sa isang iglap nagiging kaaway ko na ang buong mundo. Binuksan ko na ang kamay ko at napatalon agad ang puso ko nang makita kung ano ang nasa loob nun.

Band-aid. Simula nung nagkaayos kami at bumigat-bigat na ang practice, lagi na lang niya akong binibigyan nito. Walang palya yun! And that always completes my day. Siya ang kumukumpleto ng araw ko. At siya rin ang nagbibigay ng lakas sakin. Kahit na madami na ulit umaaway sakin, kahit madami na ulit akong bashers and haters.. Okay lang, basta nandyan siya sakin. Kahit kaibigan lang.

Beyond Reaching You [COMPLETE]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ