Chapter 16

27.6K 390 13
                                    

CHAPTER 16: STRANGERS

Pinagpapawisan ako ng malamig.

Nagsisimula na nga akong magdasal sa lahat ng alam kong santo.

Kaya ko ba ‘to?! Kaya ko bang maglakad este rumampa sa harap nila? Tumingin ulit ako sa paligid ko. Lahat sila magaganda at gwapo, may mga ibang katamtaman lang kasi hindi ganun kagarbo ang suot. May mga iba kasing halata mo ang pagkafashionista eh.

Isa na dun ang katabi ni Marco. Kasali din pala siya sa pageant. Siya 'yung babaeng obvious na may gusto kay Marco na katropa niya din at nalaman ko na Bea pala ang pangalan niya. Paniguradong siya na ang mananalo dito. Haaay...

Binaba ko ang tingin ko sa suot ko. Naiinis ako! Ba’t ba naisip kong magsuot lang ng simpleng pants at shirt?! Dapat 'yung dress ko na lang na nakasabit sa cabinet ko. Feeling ko tuloy, mukha akong basahan compared sa kanila. Kapag nagsusuot lang naman kasi ako ng magagandang damit, dun ko lang ramdam na may ibubuga ako pero kapag simpleng blouse o t-shirt lang? Mukha akong basahan.

Hay, ang baba na talaga ng tingin ko sa sarili ko. Lalo na nang dumapo ang paningin ko kay Chantal. Kahit simple lang yung suot niya, litaw pa din yung ganda niya. Habang ako..

Siya na pala ang susunod na rumampa. Hindi naman niya masyadong binonggahan yung paglalakad niya. Simple lang, parang siya.

Hindi ko maiwasang hindi tumingin kay Marco. Nandun siya sa may gitna ng pila ng boys. Katamtaman lang kasi ang height niya kaya nandun siya. Nakita kong tinitingnan niya din kung pa'no maglakad si Chantal. Nagagandahan na din kaya siya kay Chantal?

'Eto na naman ang insecurities ko.

Nang makabalik na si Chantal sa pila namin, saglit lang siyang sumulyap sa'kin at dumiretso na hanggang sa dulo. Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi na siguro talaga mababalik ang pagkakaibigan namin. Naiinis din ako sa kanya kasi pati siya, hindi man lang nagso-sorry sakin.

Balewala lang ba sa kanila na may nasaktan sila?!

“NEXT!”

Nagulat ako sa boses ni kuya MC. Tapos na pala si Dimple na rumampa which is nasa harap ko kanina lang.

Hinakbang ko ang mga paa ko. SHEF!  Ba’t parang naging mas mabigat ata ang paa ko ngayon? Hindi naman ito 'yung first time ko na rumampa. Nagkakaroon din naman kami ng mga ganitong event nung nasa HS pa ako pero PABIRO 'yun samantalang ito TOTOHANAN.

Tinry kong lambutan ang bewang ko habang naglalakad para naman hindi ako stiff tingnan. Nung babalik na ako, napatingin ako sa mga taong nasa harapan ko.

And my eyes landed on Marco.. Ang nakangiting  si Marco.

Na-nakangiti siya sakin?!

Pansin ko kanina na tinitingnan niya lang 'yung ibang babae pero seryoso ang mukha niya. Ba-bakit siya nakangiti sa'kin ngayon?! Ang panget ko bang rumampa?!!

Beyond Reaching You [COMPLETE]Where stories live. Discover now